National Costume ni HERLENE BUDOL Kinumpirma ng Designer na si Patrick Isorena Kabogera Bb Pilipinas

Huwebes, Abril 28, 2022

/ by Sparkle


Kinumpirma na ng designer na si Patrick Isorena na siya ang kinuhang designer ng manager ni Herlene Budol na si Wilbert Tolentino para gumawa ng bonggang National Costume ni Herlene Budol na susuotin at irarampa niya sa National Costume competition ng Bb. Pilipinas 2022, sa darating na July. 

Sa pamamagitan ng isang facebook post, ipinaalam ni Patrick Isorena na nakipag-usap na umano sa kanya sina Wilbert Tolentino at Herlene Budol para sa gagawin nitong pasabog na national costume. 

Ipinost rin ni Patrick ang screenshot ng video call nila. Caption naman niya rito,

"Eto na yung exciting part!!

A video call from the one and only #kafreshness Wilbert Tolentino and 'Hipon' Herlene Budol now I can proudly announce that I'll be doing her National Costume for this year's Bb. Pilipinas. 

Whooot whooot

#starcreations"


Si Patrick Isorena ang fashion designer na gumawa ng pasabog na National Costume ni Maureen Montane, na inilaban niya sa Miss Globe 2021 kung saan nagwagi siya at kinoronahan bilang Miss Globe 2021. Asahan umano na maging pasabog at bongga rin ang National Costume na gagawin niya  para kay Herlene.

Samantala, sa ikalawang araw ng competition ng Bb. Pilipinas, opisyal nang isinuot ng mga kandidata ang kanilang mga Binibini T-shirt para sa kanilang daily activity. 

Kinagiliwan naman ng ibang mga kandidata si Herlene Budol matapos nitong ipakita ang kanyang natatagong talento na ikina-loka ng ibang mga kandidata. 

Pasabog rin ang recent picture ni Herlene kung saan ibang look na naman ang ipinakita ni Herlene. Sa ikalawang araw ng competition, tila isang Barbie ang freshness at gandang inirampa niya. 

Samantala excited naman umano ang mga netizens sa magiging national costume ni Herlene. Inaabangan ng ilan ngayon kung may kinalaman ba sa Hipon ang National Costume ni Herlene Budol.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo