Nagbigay ng komento si Ogie Diaz tungkol sa mga diumanoy kumakalat na placard at posters patungkol kay VP Leni Robredo. Aniya pekeng mga larawan umano ito para siraan ang bise presidenteng tumatakbo pagka pangulo ngayong Halalan at tila paraan daw ito ng mga kalaban upang babuyin ang pangalan ng sinusuportahan niyang kandidato sa pagka pangulo.
Sa kanyang official facebook account ipinost niya ng all caps ang quote,
GANITO BABUYIN NG KALABAN SI VP LENI ROBREDO
GAGAWA NG PEKENG LARAWAN PARA MAGALIT ANG MGA TAO KAY VP
JUICE KO, BAKIT DI NIYO NALANG ILATAG ANG ACHIEVEMENT NG KANDIDATO NYO?
Ngunit ngayon kapansin pansin na hindi na makikita sa kanyang facebook page ang nasabing post na ito at ang tinutukoy na dahilan ang paglabas ng ebedinsya na talagang kakampink ang may gawa ng tarpaulin na may picture ni VP Leni at may nakasulat na "HAIL LENI FULL OF GRACE MY VOTE IS WITH YOU!"
Pinaulanan din ng panwawasto si Ogie Diaz sa comment section, ayon sa ilang mga netizens,
anyare ogie D. ginigisa mo ang sarili nyong mga taga suporta ahh ahahah, anong gawain ng kalaban eh mismong sa rally niyo yan
Really @ogiediaz ?? Tama ba yan? Kasalanan ng co-kakampink mo tapos isisisi mo sa iba? Sabagay, like pinapaburan na candidate, like supporter. Kasalanan n'yo isisisi n'yo sa iba funny n'yo ah. Halatang dilawan pa rin pag uugali eh nagpalit lang ng kulay but the same attitude pa rin
Maging si Doctor Ethel Pineda ay nagsalita patungkol dito.
If you are a Catholic but not offended by this....you need guidance.
Fake news daw. Black propaganda daw. Photoshopped daw. Nasaan daw ang shadow?
Resibo.Ok na? Any question, class?
Gayunpaman kahit deleted na ang naunang post, nagpost naman si Ogie Diaz ng panibago na may nakasulat na,
Napakasinungaling ko daw. Wow, galit pala kayo sa sinungaling pero ang sinusuportahan nyo, honest ba?
Kasunod naman nito ay isang tila umanong paninira niya sa isang tagasuporta ng kabilang team na may utang umano sa kanya,
Nakakatawa yung may utang sa akin. Buong buhay niya yata, itataya niya para sa kanyang manok para manalo.Eh ang laki ng utang sa akin. Masyado siyang busy sa pangne-nega kay VP Leni Robredo.Kaya kinontak ko. Sabi ko sa kanya, “Wala tayong problema. Igagalang ko ang choice mo, pero sana, nagre-research ka tungkol sa mga kandidato. Anim na taon yung ipagkakatiwala mo sa kanila. Wag yung kuda ka nang kuda, pero walang basis yung rant mo. Nakiki-join ka pa sa mga fake news.“Gusto mo ba, i-repost ko yang mga kuda mo, tapos, isusulat ko doon, ‘Ang tagal na ng utang mo sa akin, isang dekada na, sino ka para mag-claim na babayaran ng kandidato mo ang lahat ng utang ng Pilipinas? Baket, babayaran din ba niya pati utang mo sa aking 80k? Gusto mo, i-repost ko, na yan ang caption?”-“‘Wag naman, friend. Sorry, sorry. Sige, ide-delete ko na yung ni-repost ko.”“Hindi kita dinidiktahan. Desisyon mo yan. I-delete mo dahil na-realize mong mali ka, otherwise, panindigan mo yan.”-“Yes, na-realize ko naman, mali ako.”“Magre-research ka tungkol sa achievement ng bawat kandidato. Isipin mo na lang yung future ng inaanak ko sa kamay ng susunod na Pangulo.-“Tingnan mo, hanggang ngayon, nababalitaan ko, kung kani-kanino ka nang common friends natin ikaw umuutang. Ni hindi mo nga nababayaran, kung makapambastos ka kay VP Leni, parang wala kang nanay, wala kang kapatid na babae, wala kang misis at wala kang anak na babae.”“Sorry, Ogs, hindi na mauulit. Oo nga, na-realize ko nga. Sorry.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!