Herlene 'Hipon' Budol na candidate number 8 sa Binibining Pilipinas 2022, sobrang kwela at maging ang kapwa niya candidates ay natuwa at nagulat sa kanyang ginawa habang nasa isang activity sila sa Bb. Pilipinas.
Marami ang sumusubaybay kay Hipon Girl sa kanyang journey sa Bb. Pilipinas. Marami na naman siyang napahanga sa angkin niyang natural na pagkakomedyante.
Kahit pa sa kanyang magandang itsura ay nagagawa niyang 'kinkoyin' ang sarili para maaliw ang kanyang mga kasamahan niya sa pageant. Bigla na lamang itong tumayo at sumayaw.
Ang nakakatuwa pa ay hindi kilos na pam-pageant ang kanyang ginawa, tila lumabas ang kanyang natural na katauhan bilang si Hipon Girl.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!