Trending ngayon at usap usapan ang ginawang proposal ni Rob Moya kay Toni Fowler.
Tinanggihan ito ni Toni Fowler at inihagis pa ang ibibigay sana nitong singsing. Umani naman ito ng samu't saring mga komento mula sa mga netizens at sa mga kaibigan nina Rob Moya at Toni Fowler.
Nabigay na rin ng opinion si MG tungkol sa isyu ngayon ng malapit na kaibigang Toni Fowler at Rob Moya. Isa si MG sa mga vlogger na laging nagbibigay ng reaksyon ukol sa mga isyung kinasasangkutan ng mga kapwa niya content creators.
Noong nakaraan lang ay sinabi niyang ang kontrobersiyang kinasasangkutan nina Zeinab Harake at Skusta Clee ay scripted lamang.
Sa kanyang latest vlog ay pinanindigan niya ang mga sinasabing iyon kasabay na rin sa pagbibigay niya ng opinion sa isyu naman nina Rob Moya at Toni Fowler.
Marami ang nagsasabi umano sa kanya kung bakit sa issue nina Skusta Clee at Zeinab ay nagsalita samantalang sa trending issue nina Rob at Toni na malapit niyang kaibigan ay wala siyang say. Kaya naman ito ang tinalakay niya sa kanyang latest video.
Ani MG tila scripted din ang nangyayari kina Rob at Toni. Kahit na sinasabi ni Toni na hindi ito scripted ay hindi siya naniniwala. Kahit pa isa sa mga close friend niya ang mga ito.
Ayon pa kay MG ay partially scripted daw ang mga pangyayari lalo na sa part ni Rob. Pinapahaba lamang daw ni Rob ang issue upang may mai-content. Ayon pa sa kanya may pagka immature si Rob at yung katawan at mukha niya ay hindi naaangkop sa pag-iisip niya.
Nagbigay din siya ng payo sa binata at dalawang bagay lamang ito. It's either magmove on na siya o magtulungan silang mga friends niyang ipasok siya sa mental hospital upang mabawi umano ni Rob ang katinuan nito. Dahil baka nalilimutan daw nito kung sino siyang talaga.
Samantala, napag desisyunan naman ni Rob na ihinto na ang pangungulit kay Mommy Toni. Matapos ang ilang ulit na rejection, naisip ni Rob na dapat na niyang tigilan ang pagsuyo kay Toni. Nitong nakaraang araw lang ay kabi kabila ang mga pambabatikos sa kanya dahil sa kanyang proposal kay Mommy Toni.
Marami ang nagsasabi na kahit ano pa ang gawin ni Rob ay hindi na niya maibabalik ang dating pagtitinginan nila ng ex girlfriend dahil na rin sa mga ginawa niyang mga kasalanan rito noon.
Kaya naman sa latest video na ibinahagi ni Rob, ipinahayag niya ang kanyang saloobin tungkol dito. Aniya, hindi naman niya ipinipilit ang kanyang sarili.
Binanggit niya din ang tungkol sa mga kapwa niya vlogger na binabatikos ang kanyang mga ginagawa. Ang gusto lamang umano niya ay maibalik ang mga pinagsamahan nila noon ni Toni.
Samantala, kahit puro negatibong komento ang kanyang natatanggap, pinasalamatan naman ni Rob ang mga taong patuloy pa rin sa pagsusuporta sa kanya at sa pagnanais niyang maibalik ang dating pagtitinginan nila ng pinaka special na babae sa kanyang buhay.
Umalma din siya sa mga bumabatikos sa kanya na alam naman daw niyang wala siyang maling ginagawa. Ayon pa kay Rob, kahit pa hindi na bago sa kanya na makatanggap ng insulto, masakit pa rin daw na hindi na nga niya nagawan ng kasalanan ay binabatikos pa rin siya.
Dahil rito napag-isip isip umano niya na ititigil na ang panunuyo kay Mommy Toni.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!