Naging usap usapan ang pahayag ng kapamilya actress na hinihimok niyang maging kakampink ang kanyang boyfriend na si Ricci Rivero na aminado na isang UniTeam supporter.
Nabash ang kapamilya actress na ipinagtanggol naman agad ni Ricci. Sa panayam umano ng isang Entertainment YouTube Hub, natanong si Andrea kung kinukumbinse ba niya ang kanyang basketball star boyfriend na isang taga suporta ni BBM.
"I am trying. Huwag kayong mag-alala. I'm trying like ilang months na. He supports me supporting Leni at sobrang na appreciate ko na 'yun," sabi ni Andrea.
"Yan ang aking goal pero nirerespeto ko siya kasi nirerespeto rin niya ako. 'Yun naman ang importante kahit magkaiba kami ng paniniwala at gusto pero may respeto pa rin kami sa isa't isa. Pero I'm trying pa rin," natatawang dagdag pa ng actress.
Samantala noong April 25, 2022, nagtweet si Andrea na nagtagumpay na umano siya na mahimok na maging kakampink ang kanyang driver at lola.
"Naconvert ko na driver at lola kong maging kakampink."
Umani naman ito ng samu't saring mga reaction at komento mula sa mga netizens.
'Si Ricci naman.'
'Goodluck to you Blythe si Ricci naman.'
I am a fan of yours but why do you need to convert people who believes what good for the country for because its your choice? Nah. I want ABS CBN to come back but think of the other people as well. Seems like you're removing their will to vote for what they want.'
Ito ang ilan sa mga komento ng mga netizens dito. Kung mayroon man mga sumuporta, mayroon ding nambash kung bakit hindi na lang niya hayaan ang kanyang boyfriend na magdesisyon.
Matapos ulanin ng pambabatikos, ipinagtanggol naman ng basketball player boyfriend na si Ricci si Andrea at proud pang iflenex ang effort nitong maconvert siya bilang kakampink sa isang serye ng Instagram post.
Tila effective ang ginawa ng kakampink actress sa boyfriend nito. Nagawa na ring lagyan ng sticker ang kotse ng basketball star, maging ang tumbler, ID lace, bracelet at phone case nito ay may bakas na ng kulay rosas.
Supportive naman si Ricci sa effort na ito ni Andrea. Ipinagtanggol din niya ang kanyang girlfriend na binabatikos ng mga bashers.
"Sa mga may chance na magalit sa ginawa niya na ito. Hindi po dapat kasi ang sabi ko sa kanya kung ano yung feel niya na gawin go lang.. So if sa akin ok lang, sana sa inyo din po. She's just trying to make me believe sa kung kanino siya naniniwala."
Ipinaliwanag din niya sa mga nagagalit sa kanyang pagpapanggap na converted kakampink na siya.
"Sa mga nagagalit diyan na I'm pretending that she converted me already, that's not the point of me posting all these. I'm just saying na she's trying and doing something para sa paniniwala niya. I respect her for that and kung hate lang ang dala niyo then huwag niyo na lang po iopen stories ko! I'm just proud of what's my girlfriend's doing!"
Dagdag pa niya, hindi lang siya ang kinukumbinse ni Andrea na ikunsidera ang kandidatora ni Robredo.
"I'm not the only person she's trying to convert kasi ang gusto niya is mapaalam sa tao esp. nasa paligid niya na kung sino yung tingin niya na best for our country is yung sinusuportahan niya. Kasama lang ako dun sa mga 'yun and this isn't about her being a perfect girlfriend or whatever.. it's about her doing her part to let people know, understand and believe in someone who she thinks the best to serve all of us."
Todo ang effort ngayon ni Andrea na magconvert pa ng mga kaanak o kakilala na suportahan ang kandidatora ni VP Leni Robredo.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!