RANA HARAKE, NAGSALITA na! | THIRD PARTY ang tinuturong dahilan ng mga netizens !

Martes, Abril 19, 2022

/ by Sparkle


Pinag-uusapan ngayon ang mga pahayag ng kapatid ni Zeinab Harake na si Rana Harake. Ito ay matapos batikosin at pagbintangan ang kanyang kapatid ng kung anu-anong mga mabibigat na issue.

Hindi na nito napigilan na magbigay ng sariling pahayag tungkol sa nasabing issue.

Si Rana Harake ay isa ring vlogger at alam ng lahat na hindi ito ang tipong nangingialam at nakikisawsaw sa isyu ng kanyang kapatid. Ngunit ngayon tila hindi na masikmura ni Rana ang pananahimik dahil kung sino pa raw umano ang walang kasalanan at walang ginagawang mali ay siya pang nadidiin at sinasabihan ng masasakit na mga salita.

Kamakailan lang ay lumabas ang balitang nakunan si Zeinab sa pangalawang baby sana nila ni Skusta Clee. Hindi nagtagal lumabas din ang isyung hiwalay na umano ang dalawa. 

Matatandaang unang umugong ang usap-usapan na hiwalay na ang dalawa matapos ang isang cryptic post ni Zeinab sa tweeter na nagsasabing, 

'Me and my Baby we gonna be alright.' 

Binura naman ito ni Zeinab kalaunan.

Lalong tumibay ang hinuha ng mga netizens na hiwalay na ang dalawa nang makitang naka-unfollow na si Zeinab kay Skusta Clee at deleted na rin ang kanilang pictures together. Sa mundo ng showbiz, malalaman ng mga marites kung ang magkarelasyon ay may pinagdadaanan kapag nag-unfollow ang mga ito at nagdedelete ng mga pictures.

Samantala sa kabila ng pinagdadaanan ngayon ni Zeinab imbes na damayan siya, kung ano-anung pambabatikos at intriga ang kinahaharap niya. Katulad na lamang sa isyu na sila ni Skusta Clee ay gumigimik lang para masuportahan ang bagong music video na ginagawa ni Skusta Clee. May haka-haka rin na nanlalaki umano si Zeinab na naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Skusta Clee. 

"The truth always comes out in the end no matter how hard anyone tries to hide it or stop it. Life is just a temporary delay," tweet ni Rana Harake.

Sa nasabing tweet ni Rana may nag comment ng ganito,

"Kung totoo kayong supporters ni Zeinab, hayaan niyo na maging masaya at malaya yung tao. Binalikan niya na for a lot of time pero huwag niyo nang ipilit ang mga bagay na kahit kailan di na magagawang baguhin. Yung nakasanayan na, cheating. Maaring happy siya once pero mas marami ang pain. No hate po."

Sobrang nasaktan diumano ang kapatid ni Zeinab dahil sa maraming mga pinagdadaanan niya ngayon. Nakunan siya at nasundan pa ng iba't ibang issue. Sinabi naman ni Rana na lagi silang nandiyan para sa kanilang kapatid.

Sa kabilang banda, isa sa mga kontrobersiyal ngayon ang isang post na nagbigay ng malaking palaisipan sa mga netizens. Ito ay mula sa isang kaibigan ni Zeinab na si Melissa Enriquez. Nagtweet ito sa kanyang twitter account ng tila may pinapatamaan. Wala mang pangalan ang nasabing post ngunit hinuha ng ilang netizens ay para kay Skusta Clee ito. Mayroon umano itong nabuntis na naging dahilan ng pakikipaghiwalay ni Zeinab.

"Two months na matapos ang valentines. Malapit na ring bumukol niyan be. Kung ako sayo umamin ka na sa nanay mo," tweet nito. 

Sinundan pa niya ito ng isa pang tweet,

"Ang problema kasi porket alam niyong mahal na mahal kayo ng tao at palagi kayong  iniintindi eh, umaabuso na kayo. Hindi niyo iniisip napapagod din 'yang unawain kayo pero pilit na kumakapit kasi nga mahal ka."

Isa pang kaibigan ni Zeinab ang nag post, "Nakakatakot ng sumugal sa pag-ibig."

Marami mang mga opinyon at haka-haka sa ngayon, alam naman natin na lalabas din ang totoo ukol rito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo