Rob Moya napahiya sa proposal vlog para kay Toni Fowler!

Huwebes, Abril 28, 2022

/ by Sparkle


Muling naging usap usapan ang muling pag-uusap nina Toni Fowler at Rob Moya. Ayon kay Rob, gusto lamang niyang humingi ng sorry kay Toni Fowler at nais lamang niyang magkaayos sila. 

Gayundin naman ang nais ni Toni Fowler na ayaw na niya ng gulo at tila tinanggap na rin niya ang paghingi ng sorry ni Rob sa kanya. Gayunpaman, nang kausapin na siya ni Toni Fowler, nagpaalam si Rob kung pwede ba siyang manligaw muli kay Toni. 

Wala pa naman daw boyfriend si Toni kaya nagbabakasali na maging maayos pa ang naudlot nilang relasyon. Lumuhod pa ito at naglabas ng singsing. Ngunit iniwan lang siya ni Toni Fowler at inihagis pa ang ibinigay niyang singsing. Naiwang nakaluhod at tulala si Rob Moya at tila nabigla sa naging reaction ni Toni Fowler.

Pinagsabihan ng kanyang kasamahan si Rob Moya dahil wala naman sa kanilang plano umano ang mga pinagsasabi niya at ang pagbibigay nito ng singsing kay Toni Fowler. Sinayang umano nito ang kanyang pagkakataon na makipag ayos kay Toni Fowler.

Matatandaang emosyunal na inamin ni Rob Moya na mahal pa rin niya si Toni Fowler. Kwento pa ni Rob Moya,

'Katulad ng sinasabi ko sa sarili at sa best friend ko na , 'Man, grabe parang bumabalik yata ang feelings ko para kay Mommy Toni. Sobrang nagsisisi ako sa lahat.' Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ko siya minahal nang ganun katagal, ba't ko siya sobrang minahal, why I did those things for her... She really is something special, and will always be someone special."

Sa kabila nito nilinaw naman ni Rob Moya na wala siyang intensyong guluhin o saktan si Toni Fowler at ang manliligaw nitong si Vince Flores. 

Humingi rin siya ng tawad sa lahat ng nasaktan sa kanyang mga ginawa. Dagdag pa niya,

"Ngayon na hindi na ako intoxicated, that's the truth. I still love you.. Everytime I see you now kahit magbest friend tayo, I still feel the same love. Kinikilig pa rin ako pag nakikita ka."

May komento naman ang pambansang marites na si Xian Gaza tungkol sa nangyaring proposal umano ni Rob Moya. Ayon sa post ni Xian,

"Magandang araw po sa lahat except  kay Toni Fowler at Rob Moya na pambansang scriptwriter ng Pinas."


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo