Thirdparty? Zanjoe Marudo Damay Sa Hiwalayan Ni Kylie Versoza at Jake Cuenca! Alamin!

Martes, Abril 26, 2022

/ by Sparkle


Sa kanyang social media accounts, inamin na ni Jake Cuenca na hiwalay na sila ng girlfriend na si Kylie Verzosa. Ayon sa mga kumakalat na balita ay si Zanjoe Marudo umano ang dahilan ng pagkakalabuan ng dalawa. Ito nga ba ay may katotohanan o isang tsismis lamang.

Nagsimula ang lahat ng magsama sina Kylie Verzosa at Zanjoe Marudo sa Sagada upang gawin ang pelikulang 'Ikaw Lang ang Mahal' under VivaMax Productions. Kung saan nagkaroon din sila ng mga intimate scenes nang magkasama na ayon sa ilang mga netizens na naging dahilan ng hiwalayan nina Jake Cuenca at Kylie Verzosa. 

Ayon naman sa ibang mga netizens, karaniwan na umano itong nangyayari sa mga celebrity couples sa panahon ngayon tulad na lamang nina Paolo Contis at Yen Santos, pati rin kina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Samantala, wala pa ring ipinalalabas na official statement si Kylie Verzosa tungkol sa issue. Mas gusto lamang daw muna nito na magfocus sa kanyang career sa mga panahong ito at ayaw na muna niyang pag-usapan ang nangyaring hiwalayan ni Jake.

Matatandaang sa isang segment ng It's Showtime kung saan kinausap ni Vice Ganda si Kylie patungkol sa break up nila ni Jake. Umiyak lamang ito at hindi na nagbigay ng komento hinggil rito.

Naging gentleman naman si Jake Cuenca sa pagpapalabas sa publiko ng totoong estado ng relasyon nila ngayon ni Kylie. Narito ang pahayag ni Jake sa kanyang social media account.

'This was us. I’ll hold on to all our precious memories together with so much value. These past three years of my life have certainly been the best,” he said, before confirming that he and Kylie have split up.

“I’m still so proud of us because we didn’t want to break up in anger we both wanted to be able to look back on our relationship with no bitterness, no anger and no regrets only the good memories. Certainly that’s what I will be holding on to. I will still be here to support you because in so many ways, I feel part of your journey and I will always pray for your success. I'm happy we were able to finish this chapter of our lives the same way we started it. Holding hands as friends. Wherever you are whatever you are doing I will always be sending you love and positivity. Know that you will always have a person in me who will always be proud of you. I'll see you around Kylie.'

Ayon sa manager ni Kylie na walang kinalaman si Zanjoe Marudo sa paghihiwalay ng dalawa. Maaaring sobrang affected lamang umano ang ibang mga netizens kaya naman nang makita nilang may proyekto sina Zanjoe at Kylie ay naglabas sila ng kani kanilang mga opinion at tsismis. 

Ang katotohanan daw ay mutual decisions ang hiwalayan nila Kylie Verzosa at Jake Cuenca. Very matured na umano mag-isip ang dalawa at tila totoong mahal pa nila ang isa't isa ngunit hindi na umano nago-grow ang bawat isa sa kanilang relasyon kaya napag desisyunan nila na maghiwalay na lamang habang okay pa sila sa isa't isa. May nagsasabi naman na sa kabila ng kanilang hiwalayan ay nananatili pa rin silang magkaibigan.

Samantala hanga naman sa dalawa ang kanilang mga kaibigan dahil hindi na nila hinintay pang maging sobrang toxic ang kanilang relasyon bago sila maghiwalay. Tila alam umano ng dalawa na hindi na talaga magwowork ang kanilang relationship. 

Magfofocus na lamang daw muna sa kani kanilang career sa showbiz. Hindi rin naman umano nila sinasarado ang posibilidad na maging sila ulit in the future.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo