Tila na RIP si Kim Chiu - "I know you're in the good place now"

Sabado, Abril 23, 2022

/ by Sparkle



Hindi napigilan ng aktres na si Kim Chiu na maging emosyunal nang makatanggap ng mensahe mula kay Vice President Leni Robredo na kasalukuyang tumatakbo sa pagkapangulo ngayong 2022 National Elections. Sa Instagram ibinahagi ni Kim ang video message ni VP Leni para sa kanyang kaarawan noong April 19. 

"Gusto ko lang kunin ang pagkakataon na sabihin sa iyo how inspiring your life has been for so many people including myself. Sinusubaybayan ko 'yung journey mo at ikaw ang pinakamagandang example ng pag defy ng lahat ng odds. At 'yung kasikatan ay ginagamit para influence ng iba sa kabutihan. So keep up the good work. Keep inspiring others. I wish you all the best. We wish all the luck in the world kasi you deserved it. Happy Birthday."

Ito ang pagbati ni VP Leni noong kaarawan ni Kim. Ayon naman kay Kim Chiu, kinumpleto ng Vice President ang special na araw sa mensaheng ipinadala nito sa kabila ng busy schedule nito.

"Literally I am crying right now nakakaiyak na alam ko na ang isang tao na maraming ginagawa araw araw. Doing everything for people as a Vice President of our country and soon to be president. Rally dito, rally doon. Debate dito, debate doon. Motorcade, house to house, personal duty as a mother at marami pang iba. Grabe saludo po ako sa inyo ma'am and watching the video made my heart melt. Salamat po for seeing me, for sending this video. Napakapersonal po ng message niyo.

 

'Magkasunod pala birthday natin. But I want to wish you a very happy birthday. I know you're in a good place now. Follower mo ako.'

 

Maraming maraming salamat po. Truly you made my birthday complete. Didn't expect pero maraming salamat po," ani Kim.

Iginiit din ng aktres ang pasasalamat kay Robredo sa ginagawa nitong paglaban para sa bayan.

"Makakaasa po kayong kasama niyo po ako sa laban na ito. Laban para sa gobyernong tapat. Angat buhay ang lahat. Matagal na naming hinihiling at inaasam ang tapat na pamahalaan na nakaupo para sa tao at hindi para sa sarili. I am here behind you alongside with the Filipinos who are hungry for honest and good governance. I am looking forward for a better, brighter, kulay rosas sa buong Pilipinas with you as our President," dagdag pa ni  Kim na maaga ring binati si Robredo para sa kaarawan nito sa April 23.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo