Muling nagsalita si Rob Moya tungkol sa kanila ni Toni Fowler. Talagang sinubukan lamang niya ang muling panliligaw kay Toni. Humihingi siya ngayon ng tawad sa lahat.
Marami sa mga netizens na nakapanood ng mga vlogs at video ni Rob Moya sa kanyang YT channel ang hindi nagustuhan ang ginawa ni Rob kay Toni.
Matagal na silang magkahiwalay pero si Rob Moya ay gustong manligaw ulit kay Toni Fowler. Nagmamakaawa at sinusuyo ni Rob si Mommy Toni.
Nagpapadala siya ng mga bouquet of flowers sa bahay ni Mommy Toni at kamakailan lamang ay nagpropose itong si Rob kay Toni. Ngunit nabigo si Rob dahil hindi man lang sinagot at hinagis pa ni Mommy Toni ang ibibigay sana niyang singsing.
Samantala sa pinakabagong video na ibinahagi ni Rob Moya sa Facebook, may caption ito na
'Tama na. Ayoko na.'
Tila sobrang nasaktan ito sa mga nangyari. Isa pa, hinusgahan din ito ng ibang mga netizens sa mga ginawa nito kay Mommy Toni.
Ayon naman kay Rob ay sinubukan lamang niya dahil sa kagustuhan niyang makipagbalikan o manligaw muli kay Toni Fowler ngunit ngayon ay tila susuko na ito at tila labis na nasasaktan.
Nagmukha na rin umano siyang masama sa paningin ng iba. Ayon sa post ni Rob Moya,
'I just want you to know na sobrang sobrang mahal talaga kita.. I'm really sorry sa lahat.'
Tila sobrang nasaktan rin si Rob Moya sa ginawang pambabalewala ni Toni Fowler sa kanya. Humihingi rin siya ng paumanhin sa lahat.
May ilang mga netizens naman na nagkomento at sinabihan siya na magmove on na lamang daw siya. Tama na dahil siya lang din naman ang nasasaktan sa kanyang mga ginagawa.
Tila ayaw na talaga siyang balikan ni Toni Fowler. Dahil hindi na umano siya ang dating Toni Fowler na uto-uto. Tila malabo na ngang mangyari na sasagutin pa siyang muli nito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!