Trending muli si Toni Gonzaga matapos ipagsigawan ang pangalan ni Bongbong Marcos na kaunting panahon na lamang daw at babalik na ito sa kanyang tahanan, ang Malacañang. Muling namayagpag sa Twitter ang pangalan ng host-actress vlogger na si Toni Gonzaga matapos deretsahang ipahayag na maluluklok bilang susunod na pangulo si Bongbong Marcos matapos ang National Elections sa darating na May 9, 2022.
Kasama sa UniTeam Festival Rally si Toni na ginanap sa Cebu City noong lunes April 18, 2022. Pagkatapos ang pag-awit ng signature song na 'Roar' ni Katy Perry ay sinabi niya na malapit ng bumalik si BBM sa Malacañang na dati nitong tinirahan.
Unang nanirahan si Bongbong Marcos at ang kanyang pamilya sa Malacañang nang naging pangulo ng bansa si dating pangulo Ferdinand Marcos Sr. na naging presidente mula 1965 hanggang 1986.
Kaagad naman na umangat ang pangalan ni Toni sa trending list. May kani-kanilang komento at reaksyon ang mga netizens ukol rito.
'Malacañang belongs to the people of the Philippines and is not or will never be an exclusive property of the Marcoses. Sorry but this statement of yours can be filled under the respect of my opinion category.'
'I do not see anything wrong with Toni G's statement, BBM once stayed and lived in Malacañang. Their family can say that it was once their home. This antis are just furious because its BBM.'
'Toni Gonzaga's character is admirable because she sacrifice her career just to support Bongbong Marcos, not everyone has the courage to do that.'
'Malacañang represents the people of the country not a home for murderers.'
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!