"Wala na po kaming hinahabol na dating prangkisa dahil ang prangkisa namin ay may nagmamay-ari na at pagmamay-arian nila 'yan ng ilang dekada. Wala na pong mahahabol ang ABS, kanila na po 'yun.. Malinaw 'yan ha sa mga shonga shongaan na mga troll.. ABS is no longer after any franchise. Okay.. ganun 'yun!.. 'Di niyo alam ang mga pinagsasabi niyo, move on, move on."
Ito ang banat ni Vice Ganda sa mga netizens na nambabash sa kanila at nagsasabing nagvovolunteer silang mga artista sa sinusuportahan nilang presidential candidate para lamang maibalik ang prangkisa ng ABS CBN.
Ngunit tila agad nagback fire sa komedyante ang sinabi niyang ito nang ilabas ng well known influencer na si Peebles ang tila isang application o file na hinahabol pa rin ng ilan para makabalik ang nasabing network. Ayon sa post ni Peebles,
'Eto pa Vice Ganda, kausapin mo na lang si Vilma Santos kung anong tawag dito.
Mukhang application ito ng franchise, akala ko ba wala ng nag-apply ng franchise ng ABS-CBN eh ano toh? LOVE LETTER?😂😂
Bahala ka jern aklaaaa….dami mong halhal.'
Samantala, tila nasabon pa itong si Vice Ganda ng isang magaling na abogado na si Atty. Nick Nañgit. Sinabi nito na wala sa tamang posisyon si Vice Ganda para magtalakay ng isang komplikadong batas.
Tinawag niya rin itong mangmang at walang alam sa pangyayari. Narito ang pahayag ni Atty. Nañgit na ibinahagi niya sa pamamagitan ng isang FB post.
"Kahit naalibadbaran na akong bigyang pansin pa ang komedyanteng bading na ito, e papatulan pa rin natin, para maipaliwanag sa kanyang mga nauuto ang mga putak niya.
Kaya, let me idiot8 you, V¡ce!
Una, wala ka sa posisyong magbigay linaw. Hu u, kumbaga? Komedyante ka, hindi abogado. Sino ang nag atas sa iyo na magpaliwanag, at bakit? ikaw lang ba ang maaaring magbigay linaw?
Dahil ba marami kang napapatawa at maraming nanonood sa mga pelikula mo e pagdating sa usaping batas, ikaw na ang awtoridad? Feeling, gaya ng #inamo?
Pangalawa, ang prangkisa ay hindi ibinibigay. Hinihiling yan. Kaya nga may application. Wala kang aasahan, kung wala ka ring aplikasyon, gets? Para lang aplikasyon yan sa pagkuha ng driver's license.
Hindi ka hihilata sa Bora kasama ang sinumang bayaran o kaya ay rarampa basta basta sa ahensya ng pamahalaaan, at iaabot na lang sa iyo ang lisensya na walang ka effort effort. Hindi ganun yun.
May proseso munang pagdadaanan. May pagsusulit pa nga. Kapag pumasa ka sa lahat ng rekisitos, saka ka pa lang bibigyan ng lisensya. Yan ay dahil nag-apply ka, hindi dahil umasa ka lang. Ang prangkisa, ganern din!
Pangatlo, ang prangkisa ng katol mo ay natapos na. May deadline yun. After ng deadline, apply ulit. Yan ay kung gugustuhin pa ng aplikante. Ginusto ng mga bosing mo na mag apply, kaya nga sumipot sila sa mga pagdinig ng Kapulungan.
Sa kasawiang palad, hindi kumpleto ang mga dokumentong hiningi sa kanila. Hindi pumasa sa mga rekisitos. Balikan mo ang lahat ng pagdinig. Naka publiko pa yan. Panoorin mo at intindihin.
Kahit mga hindi nakatapos ng pag-aaral, maiintindihan ang mga pinag-usapan doon. Hindi ka kaiba sa kanila. Dahil pumalpak sa aplikasyon ang katol, bumoto ang maraming kinatawan na hindi ito mabibigyan ng prangkisa.
Tapos ang istorya. Tas, sisisihin nyo sila? Tatandaan ang mga mukha?! May batas tayo na kapag pinahintulutan nila nang walang dahilan, maaari silang managot at makulong. Alam mo ba yun? Syempre hindi!
Hindi naman kasi parang peluka yan na madaling hanapin at isusuot sa bumbunang pinagkakaitan ng follicles.
Pang-apat, kahit wala ng prangkisa, andiyan pa rin kayo, mga ulilang paslit na pasalin-salin na lamang sa tahanan ng mga kumukupkop sa inyo, pero sa tamang halaga. Pati nga sa socmed, pinasok ninyo na rin.
Pero, hindi matagumpay, gaya dati. Wala na ring masyadong nanonood sa inyo. Iyak much! Ngayon, bakit nandiyan pa rin kayo? Dahil hindi pa nagsasara ang kumpanya mo. Hindi pa nagfa-file ng dissolution sa SEC. Bakit?
Umaasa kasi kayo na ang mga susunod na kinatawan ay maghihirang muli at boboto na, para bigyan kayo ng bagong prangkisa. Yun lang yun. So, hindi kayo (kung sino man yang kayo na sinasatsat mo) umaasa? Tok to da marines!
Panlima, ang prangkisa ay hindi pinapasa pasa, gaya ng mga lalaking bayaran na pagkatapos pagsawaan ng ilang hayok na beki ay ipapasa pasa lang sa isa pang hayok na beki. Kumbaga, recycled?!
May mga kumpanya na nag-aaply din ng sarili nilang prangkisa. Kapag pumasa ang mga ito sa rekisitos, bibigyan sila ng prangkisa. Op kors! Ang prangkisang iyon ay iba na sa prangkisa ninyong nag expire na!
Basahin mo ang sampol ng mga batas na nagbibigay prangkisa, at makikita mo ang salitang "non-transferrable" o samting to dat epek. Kaya, ang ikinakalat mong katangahan ay solohin mo na lang.
Hindi kinukuha o kinakamkam ng ibang aplikante ang prangkisa ninyo. May sarili sila. Sariling sikap. Dapat luhm mo yarn! Pag-aari nila ang pribilehiyong ibinigay sa kanila dahil nag apply sila at pumasa naman.
Ang katol ay nawalan ng pribilehiyo, dahil dumating na ang expiration date ng prangkisa nito, nag apply muli, pero bagsak, gets?!
Pang-anim, iba ang prangkisa sa frequency. Yang huli ay ang daanan sa ere, para makapag broadcast ng libre. Dahil ang may-ari ng frequency ay ang Estado, nasa Estado kung kanino ito ipapahiram.
Dahil ipinapahiram lamang, natural may taning. Walang poreber! Parang sa boylets din yan. Habang may datung, anjan. Pag purita mirasol na, e jijiwanan na. K, next!
May expiration date o deadline ulit. Ngayon, alangan namang nakatengga lang ang frequency. Sayang. Walang kikitain ang Estado kung walang handang gagamit nito.
Walang pakinabanag, parang yung mga utaw na laila dee lang at ang beks ang magtatrabaho lagi! Nasa Estado kung kanino ito ipahihiram. Natural! E kasi Estado ang may-ari.
Ngayon ulit, kung yan ay ipinahiram na o ipinagamit sa ibang aplikante ng frequency (hindi ng prangkisa, ha), pribilehiyo na nila yun. Wakapakels!
Sa madaling salita, sana na idiot8 ka!
Kung hindi pa rin, hindi na namin problema ang iyong kamangmangan, kunwari man ito o totoo. Magpakasasa ka na lang sa iyong yaman, magpasalamat, at huwag mangutya ng kapwa!
Aral aral din pag may time!!!"
Narito naman ang komento ni Peebles at tila ipinamukha nito kay Vice Ganda kung gaano ito ka mangmang at kasablay sa kanyang pahayag.
"Oh ayan, nagsalita na naman sa national TV si Vice Ganda. Ganda, oo naman maganda kasi may jowa mayaman pa. O ayan ginagaya ko na boses ng kanyang alaga.
Nagsalita na naman siya sa national TV na shonga shonga daw ang mga trolls.
Na mga shonga shonga daw ang mga BBM na nagsasabing ang habol daw nila kaya nila sinusuportahan si VP Leni ay ang franchise ng ABS CBN at ang sabi niya na ang franchise nila ay pagmamay-ari na ng iba at pagmamay-arian ng ilang dekada pa.
Vice alam kung matalino ka naman kaya lang 'yung talino mo naibabawan ng galit mo, yun ang totoo."
Ipinaliwanag naman ni Peebles na yung franchise ay sa kanila pa rin kung magbabayad umano sila ng utang, 'yung mga nagmamay-ari at shareholders.
Ang napunta lang umano sa mga Villar ay yung frequency ng ABS CBN dahil ang prangkisa ay hindi maaaring pagmamay-arian ng iba. Sinabi rin ni Peebles na ang financer umano ni VP Leni ay isa sa mga nagmamay-ari ng nasabing network.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!