Wow! Karen Davila, Binigyan Ng Pera Si Herlene Budol! | Sobrang Daming Blessing Ni Herlene!

Sabado, Abril 30, 2022

/ by Sparkle


Ibinigay na ni Karen Davila ang ipinangako niya kay Herlene na kinita sa pinagsamahan nilang vlog. 

Matatandaang kamakailan lamang ay binisita ni Karen Davila si Herlene sa tahanan nito. Nafeature nito si Herlene sa kanyang vlog ilang linggo na ang nakalipas. 

Doon unang nabanggit ni Herlene ang plano niyang pagsali sa Bb. Pilipinas 2022 noong April 12, 2022. Ipinost ni Herlene sa kanyang Instagram account ang interview sa kanya ni Karen.

'Aliw na aliw sa pag-interview sa akin si Miss Karen Davila sa aking pagiging squammy approach. Sa kanya ako unang nag chika na sasali ako ng Bb. Pilipinas at nagtrending itong content namin na umabot sa 1.5 million views. 
Salamat kay manager Wilbert Tolentino sa pagdala sa amin ni Madam Inutz at ipinakilala kami kay Miss Karen.'

Tila natouch at na-inspire naman si Miss Karen sa usapan nila ni Herlene. Kaya naman nangako ito na tutulong sa kanya. 

Isa kasi sa mga napag-usapan nila ay ang planong paglipat ng bahay ni Herlene. Matatandaang hindi sina Herlene ang nagmamay-ari ng bahay na tinitirhan nila ngayon.

Bilang tulong sa paghahanap ng bagong bahay ni Herlene para sa pamilya, ibibigay ni Karen kay Herlene ang kikitain ng kanilang trending video. Sabi ni Karen sa isang post,

'It's so easy to love you Herlene kasi napakabuti ng puso mo. God will reward your faithfulness and love for your family. 
I am here for you hoping kahit papaano makatulong ang proceeds ng vlog sa plano mong lilipatan.'

Samantala, sa kamakailang IG post ni Herlene ay ibinahagi nito na sinurpresa siya ni Karen nang ibinigay na nito ang 100k na kita ng pinagsamahan nilang vlog. Hindi umano niya mapigil ang kanyang luha nang iabot na ito sa kanya ni Karen. 

Malaki ang pasasalamat niya sa broadcaster. Ayon pa kay Herlene napakalaking tulong na iyon para sa kanyang pamilya.

'Isang malaking karangalan po uli yung nag congratulate si Maam Karen Davila sa pagkapasok ko sa Bb. Pilipinas 2022 at ito pa ang surpresa niya sa akin mga KaHipon at hanggang ngayon wala pa rin tigil ang iyak ko. 
Ibinigay niya sa akin ang earnings sa youtube niya nung ininterview niya sa akin noong April 2 sa halagang 100,000 pesos po bago ako nagregister sa Bb. Pilipinas na umabot sa 2.2 million views. 
Ma'am Karen God bless you more po at malaking tulong na po to sa aking pamilya at ibibigay ko po ito kay Nanay Bireng at Tatay Oreng ko. Salamat ng marami dahil 3 months ako bawal magtanggap ng trabaho at endorsement dahil sa policy ng Bb. Pilipinas. 
Kaya umaasa na lang din po ako ng income sa YouTube channel ko sa pagvovlog. Mga KaSquammy, sa hindi pa po nakapanood ng interview ko po kay Karen Davila, ilagay ko sa comment section ang link. Salamay Sir Wilbert Tolentino at pinakilala mo sa akin si Maam Karen Davila.'

Tunay ngang nakakagood vibes itong si Herlene 'Hipon' Budol. Isang inspirasyon sa mga Pilipino ang kanyang kwento.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo