Emosyunal ngayon si Zeinab Harake sa 1st birthday photoshoot ni Baby Bia.
Sa latest video ni Zeinab, ipinakita nito ang mga kaganapan sa photoshoot ng 1st birthday ng kanyang anak. Hindi naiwasan ni Zeinab na maging emosyunal dahil ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng photoshoot si Bia na wala sa kanyang tabi ang amang si Skusta Clee.
Sa mga nakaraang video ng monthly birthday celebration ni Baby Bia, makikitang laging naroon si Skusta Clee para alalayan si Zeinab.
Ayon kay Zeinab, nahihirapan umano siya dahil sa kanyang mga pinagdadaanan ngunit kailangan niyang maging masaya dahil ito ang pinaka special na pangyayari sa buhay ng kanyang unang anak na si Baby Bia.
Gusto rin umano ni Zeinab na maging perpekto ang lahat sa unang birthday ni Bia. Nagpasalamat din si Zeinab sa lahat ng mga taong sumuporta at naroon palagi sa kanya.
Dagdag pa niya na, mahirap umanong magvlog kung may pinagdadaanan sa buhay. Kinakaya umano ito ni Zeinab para kay Baby Bia dahil deserve umano nito na may matatag na mommy.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!