Nanganak na ang aktres na si Jennylyn Mercado sa first child nila ni Dennis Trillo.
Ang masayang balitang ito ay ibinahagi nila sa kanilang YouTube channel sa episode 13 ng kanilang vlog na pinamagatang "After All" na ipinublish nito lamang May 1, 2022.
Ayon sa mag-asawa, April 25, 2022 nang isilang ni Jennylyn ang kanilang bouncing baby girl na tinatawag nilang si Baby Dee. Ang masayang balitang ito ay ibinahagi mismo ng mag-asawa sa pamamagitan ng kanilang latest vlog sa YouTube.
Bagaman ang naturang vlog ay tungkol sa virtual nursery room tour ng kanilang first child together, sa huling bahagi ng video ay ipinakita na nasa hospital sina Jennylyn at Dennis.
Ayon kay Jennylyn, check up lang dapat ang sadya nila sa hospital. Bigla lamang daw silang sinabihan na siya umano ay manganganak na. Hindi daw siya ready, dagdag ni Jennylyn. Kaya naman tinanong siya ni Dennis habang nakahiga siya sa hospital bed.
"Okay ka lang diyan?"
"Okay lang," sagot naman ni Jennylyn.
Mapapanood sa isang bahagi ng video si Dennis Trillo na halatang nininerbyos o kinakabahan sa biglaang panganganak ng asawa. Tinapos nila ang kanilang vlog sa pagbabahagi ng isang larawan kung saan silang dalawa ay nasa loob na ng operating room.
One week ago during their maternity shoot, inamin ng dalawa na excited na sila na makita ang kanilang baby girl. Maging si Marian Rivera na ninang ni Baby Dee ay excited ring makita ang inaanak.
Matatandaang last year ay ibinahagi nina Dennis at Jennylyn na sinubukan nila ang pagbubuntis via surrogacy ngunit noong naka-schedule na sila upang pumirma ng kontrata para gawin ang implant ay nalaman nila na si Jennylyn pala ay nagdadalang tao na. Hindi nagtagal nagpakasal naman silang dalawa.
Ang celebrity couple ay parehong may anak na lalaki sa kani kanilang past relationships. Si Jen ay may anak sa dating nobyo na si Patrick Garcia habang si Dennis naman ay may anak na lalaki rin sa dating beauty queen na si Carlene Aguilar.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!