AIRA LIPATA NAGSALITA SA ISSUE AT BINANATAN SI ZEINAB HARAKE!

Sabado, Mayo 28, 2022

/ by Lovely

Nagviral sa mga social media platforms si Zeinab Harake nitong mga nakaraang araw matapos lumabas ang mga bali-balitang may nakaaway ito sa isang bar sa Quezon City. Makikita rin sa mga kumakalat na video na tila inaawat ng mga pulis at ni Wilbert Ross si Zeinab.

Ang babaeng nakaalitan ni Zeinab Harake sa loob ng bar ay si Aira Mae Lipata na itinuturong bagong karelasyon ni Skusta Clee. Kasunod naman ng isyung ito, kumalat ang mga larawan at video nina Aira Mae at Skusta Clee na magkasama na sa isang bahay.

Ayon pa sa mga netizens, inuwi na ni Skusta Clee si Aira Lipata sa kanyang bahay.

Samantala ginulat ngayon ni Aira ang mga netizens matapos itong maglabas ng post na tila pambabanat at pagsasagot sa nasabing isyu.

Sa kanyang Facebook post ipinahayag niya ang tungkol sa isyu nila ni Zeinab Harake. Sa unang post ni Aira ibinahagi niya ang mismong video sa loob ng bar at may caption na,

Pasalamat ka maraming umaawat dito kundi talsik ka rin sakin depungal ka!! Back fighter magsama ka pa ng mga pulis. Di ka naman kasal oy! Masyado kang feeling pwe!





Dagdag pa na post ni Aira,

Galit na galit. Gustong manakit. Ayaw namang siya lang mag-isa. Kailangan ba may back up?

Kumalma kayo! Ako lang to. Wala kayong mga ebidensya Wag kayong Feeling Perfect. Nagbabasa rin ako ng comments duhhhhh... All natural, Walang halong kemikal!!! Lumayas kayo dito.. pwe!!!

Tila tinanong rin ni Aira kung naiingit ba dito sa Zeinab. Sinabi rin ni Aira na hiwalay na umano ang dalawa bago siya nainvolve kay Skusta kaya hindi siya Maaring tawaging kabit. Isa pa, hindi naman umao kasal ang dalawa at may anak lang kaya papaano masasabing isa siyang kabit?

Hiwalay na sila bago ko nainvolve kay Skusta papano niyo masasabing kabit. Unang una may anak lang sila pero di sila mag-asawa. Wag kayong paladesisyon!!! Kayo ang may ubo sa utak!!



Pinayuhan pa ni Aira ang mga netizens na mag-chill lang dahil matatapos rin ang isyung ito. Ipinabatid din niya sa mga netizens na siya mismo ay 'chill lang' sa isyung kinakaharap niya ngayon. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo