Aira Mae Lipata, Inaasar Si Zeinab Harake Sa Socmed! | Deadma Lang Sa Mga Bashers!

Martes, Mayo 31, 2022

/ by Lovely

Aira Mae Lipata nagparamdam sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan.

Mainit ang pangalan ngayon ng Tiktoker na si Aira Mae Lipata, matapos ituro bilang bagong babae ng Rapper na si Skusta Clee. Viral at pinag-uusapan ngayon ang live video umano ni Aira Mae Lipata kung saan nasa loob ng kotse at pinapakinggan ang kantang Zebbiana.

Matatandaan na ang awiting ito ay ginawa 'nung unang nagkahiwalay sina Skusta Clee at Zeinab Harake. Ang awiting Zebbiana ay pinaniniwalaang para kay Zeinab Harake at tila napaka-sentimental ng kantang ito dahil ipinangalan pa rito ang anak nila na si Baby Bia.

Sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap  ni Aira Mae Lipata tila walang takot at matapang siyang naglive video habang pinapakinggan ang nasabing awit. Maririnig pa sa background na sinasabayan pa ni Aira Mae ang kanta at mayroon pang punto ng kanta na sinambit ni Aira na,

"Inaaway nila ako."

Ang ginawang live video na ito ni Aira Mae Lipata ay umani ng samu't saring mga reaksyon at komento mula sa mga netizens. May nagkomento na tila proud pa umano ito sa mga ginawa nito at inaakala pa na natutuwa ang mga tao sa kanya.

Sinagot naman ni Aira ang mga nambabash sa kanya. Aniya sa post,

Grabe kayo sakin. Kumanta lang daming hanash.

Isa sa mga proud ako ay yung hindi ko jinujudge yung mga taong wagas maka comment. Feeling nila hindi sila nagkakasala sa mga bunganga nila mga feeling perfect.

Dito mo talaga mapapatunayan na maraming Marites sa Pilipinas. Akalain mo yun. Wala silang ebidensya maski picture at hindi nila mismo nakita sa mga mata nila pero galit na galit sila na para bang sila yung asawa.

Sa gitna ng isyung kinakaharap ngayon ni Aira Mae Lipata tila wala na itong pakialam sa kung anong sasabihin sa kanya ng mga tao.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo