Nitong nakaraang eleksyon ay umani ng pambabatikos ang actress at vlogger na si Alex Gonzaga matapos niyang magpost sa kanyang Twitter account tungkol sa naging resulta ng botohan.
Sana ay tapusin na ang bangayan dahil lahat naman tayo magkababayan. God bless the Philippines!
Umani ito ng pambabatikos mula sa mga kakampink o ang mga taong sumusuporta kay VP Leni Robredo. Kesyo hindi naman umano ito maaapektuhan sa kahirapan. Tuwang tuwa umano sila dahil ang kandidato nilang sinusuportahan ang nanalo, kahit na magnanakaw.
Ngunit ang nais lang namang iparating ni Alex, ay huwag na tayong magkawatak-watak na mga magkakabayan kahit ano pa man ang naging resulta ng Eleksyon.
Kahapon ay tila hindi na nakapagtimpi si Alex at sinagot niya isang netizen na patuloy pa ring bumabatikos sa kanya. Ayon sa post ng netizen,
aw, nalaglag
Kasama ang picture ni Alex na umiiyak noong malaglag ang kanyang dinadala sa sinapupunan.
Hindi na nakapagpigil at sinagot ito ni Alex,
Ah eh.. Marunong kasi kami tumanggap at magmove on mag asawa kaya nga nashare na rin sa public para makahelp din sa iba. But gets kung san mo tingin "mahuhurt" ako suportahan taka. At masarap ang gumawa ng gumawa kaya teka gagawa ulit kami wait.
Kahit masakit at below the belt na ang mga salitang ibinato kay Alex ng basher ay sinagot pa rin niya ito ng pabiro at hindi siya gumaganti rito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!