Kamakailan ay ibinahagi ni Alexa Ilacad sa kanyang IG stories ang mga naging journey niya sa loob ng PBB. Kalakip rito ang mga larawan simula nung pagpasok niya sa bahay ni Kuya hanggang sa kanyang paglabas. May ibinahagi rin siyang larawan ng kanyang mga fans.
Marami sa kanyang mga tagasuporta ang naantig ang damdamin sa naging caption ni Alexa sa nasabing IG story. Nagpasalamat ang dalaga sa lahat ng sumusuporta at nagmamahal sa kanya lalong lalo na sa naging journey niya sa PBB.
This chapter is officially over. Thankful for every second of being an ex-housemate and living in the most famous house in the Philippines.
Now onto greater things.. Love always, your smartista unica hija ng Pasig City.
Mensahe naman ng mga tagahanga ni Alexa para sa kanya,
"Alexa you'll always be a big winner in our hearts. Nagpapasalamat kami sa PBB na naging daan upang makilala ka, hangaan ka at mahalin ka. Di man ikaw ang naging big winner Lex alam naman na ang mabuti mong puso ay magniningning at magiging legacy mo."
Labis na hinangaan ng mga netizens si Alexa dahil sa pagpapakita nito ng kabutihan sa iba. Komento pa ng ilang mga tagahanga niya, ang kabutihan ng loob nito ang nag-udyok sa kanila upang hangaan at mahalin ito.
Dagdag pa ng ilan na para sa kanila si Alexa Ilacad ang big winner. Naghihintay ang mga fans nito ngayon sa mga darating na projects para sa dalaga at sa katambal nito ngayon na si KD Estrada.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!