Ama at Kapatid Ni Zeinab Harake, Nagsalita Na!

Huwebes, Mayo 12, 2022

/ by Sparkle

Matapos ang matinding rebelasyon ng YouTube vlogger na si Zeinab Harake tungkol sa totoong estado ng relasyon nila ni Skusta Clee, nagbigay ng mensahe ang kanyang ama at kapatid na si Rana Harake. 

Ikinalulungkot at ikinagulat ng mga tagahanga at fans ni Zeinab ang pagsisiwalat nito sa mga diumano'y nagawa ni Skusta Clee sa kanilang relasyon at pamilya. Naibahagi ito ng vloggers kamakailan sa online show ni Toni Gonzaga na Toni Talks. 

Ni-reveal ng YouTuber na bago pa umano siya makunan at habang nagbubuntis sa ikalawang anak sana nila ni Skusta Clee, nadiskubre niyang niloloko na umano siya nito. Nalaman ni Zeinab ang ginagawang pambabae ni Skusta, maging ang pagiging costumer ni Skusta sa diumano'y pambubugaw ng isa sa mga itinuturing nilang kaibigan. 

Naging agaw pansin sa mga netizens ang ginawang Instagram stories ni Zeinab sa pag call out nito sa sinasabing bugaw na itinuring niyang kaibigan na isa sa naging dahilan nang pagkasira ng kanilang relasyon at ng pamilya nila.

Samantala, nagpahayag naman ng mensahe ang kanilang ama na ibinahagi ng YouTuber sa kanyang IG Stories noong May 9, 2022.

"There's nothing wrong with loving the wrong person. It's wrong when you know he's the wrong person and still loving him. You deserve better and I am always here supporting you and loving you. Love yourself cause you are worth it. Just know that after the darkest times is the happiest moments of your life. Keep on fighting and never give up. I love you so much my little princess."

Hindi rin napigilan ng kapatid nitong si Rana Harake ang maglabas ng hinaing at magpahayag kaugnay sa kinahinatnan ng kanyang kapatid at mga pamangkin na sina Baby Bia at Baby Moon. Ayon sa kanyang mga tweet post,

"Pwede na siguro akong magsalita? Sobrang sakit ng puso ko dahil sa ginawa niyo sa ate ko at sa mga pamangkin ko. Hindi nila deserve yung mga ginawa niyo."

"Sobrang sakit sa part ko bilang kapatid na makita siya na nahihirapan sa araw araw. Alam mo kung gaano ako ka proud sayo at palagi kung sasabihin sa mga anak mo na napakaswerte nila sa mom nila dahil meron silang strong mommy. You deserve so much more than what you have now."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo