Viral ngayon ang usapan tungkol sa kalusugan ni Kris Aquino.
Ito'y matapos niyang magpost tungkol sa kanyang sakit na tinutukoy niyang life threatening na. May binanggit din siyang tatlong confirmed auto immune conditions niya. Bukod pa rito, ang pagkadamage ng kanyang heart and lungs at ang nakakagulat na late stage 3 ng kanyang EGPA.
Ano nga ba ang ibig sabihin nito? Gaano nga ba ka delikado ang kondisyon ni Kris Aquino? May lunas pa nga ba ang mga sakit niyang ito lalo na ang sinasabi niya EGPA na late stage 3 na lalo na't binanggit rin niya na siya ay magpapa chemotherapy na.
Sa nasabing post ni Kris, sinabi niya na marami siyang sakit. Sabi niya, tatlo ang auto-immune conditions niya. Ang una rito ay ang chronic spontaneous urticaria.
Base sa google ang chronic spontaneous urticaria ay isang condition kung saan ang pasyente ay makakaramdam ng matinding pangangati at magkakaroon ng pantal pantal sa katawan na pasulpot sulpot. Tulad ng mga naunang post ni Kris kung saan makikita na covered siya ng mga pulang pantal sa kanyang mukha at katawan.
Very uncomfortable ito kung iisipin lalo na't may iba pa siyang mga karamdaman. Wala pa umanong malinaw na sagot kung ano ang pinagmulan nito ngunit maagapan ito kung tama ang pagmanage ng pasyente at ng kanyang doctor.
Pangalawa, sa binanggit na auto-immune ni Kris ay ang auto-immune thyroiditis. Ito ay nangyayari kung namamaga ang thyroid ng pasyente. Ito rin ay isang delikadong sakit.
Ayon sa google, ang autoimmune thyroiditis ay isang delikadong kondisyon kung hindi maagapan. Dahil maaring maglead ito sa pagka-coma at heart problems. Marahil ito na ang sinasabi ni Kris na na-damage na ang kanyang heart at lungs.
Pangatlo naman ay sinabi ni Kris na mayroon siyang Churg Strauss Syndrome na stage 3 na. Marami ang nag-aalala rito, dahil kapag sinasabing stage 3, tila delikado na ito para sa kanyang buhay.
Ang Churg Strauss Syndrome ay disorder sa blood vessels. Ang pamamaga sa blood vessels ay magreresulta sa pagbara ng blood flow na papunta sa mga organ at tissues at maaring mag-cause ng permanent damage.
Kasama sa mga organs na maapektuhan ay ang lungs, sinuses, skins, gastrointestinal system, kidneys, muscles, joints and hearts. Hindi rin ito curable ngunit makakatulong ang medications para i-manage ang symptoms.
Ayon sa google, ang 5 years survival rate ng sakit na ito ay 25% kung walang treatment habang 62% naman kung may treatment.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!