Mukhang tinanggap na ang pagkatalo ng aktres na si Angel Locsin na sumusuporta kay VP Leni Robredo.
Sa kanyang Facebook page, may mensahe siya para sa kanyang kapwa kakampinks at sa kanyang sinusuportahan na maging susunod na magiging pangulo ng bansa na si Vice President Leni Robredo.
"To my fellow Leni volunteers, na-witness ko ang kakaibang passion na ibinigay natin sa eleksyong ito. I am proud to have fought with you to the very end. Huwag kang manghina dahil ibinigay natin ang lahat…na walang pagaalinlangan. Hindi tayo naging madamot, itinaya ang pangalan at oras. Lumaban kahit mahirap para sa ating paniniwala at sa kapwa. Kahit imposible. Lumaban tayo hindi para sa isang tao, kundi para sa bayan. Kaya kahit matatapos na ang bilangan. Piliin pa rin natin ang bayan. Piliin pa rin natin ang Pilipinas. Patuloy tayong magpakita ng malasakit at kumilos para sa kapwa. Ipinagdarasal ko na darating rin ang araw na makikita natin ang Pilipinas na minimithi. Taas noo
Salamat Mam Leni sa inspirasyon 💕"
Umani naman ito ng samu't saring mga reaksyon mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens.
"ANG AKING PAGTINDIG, HINDI NATATAPOS NGAYONG GABI."
"Isang karangalan na tumindig ako para sa bayan... Sayang pinakawalan ng Pilipinas ang bihirang pinunong tulad mo... Kelan kaya pa tayo matututong pumili ng totoo at nararapat?😢 Aasa at hihintayin ko pa rin ang pagdating ng mga araw na iyun mahal kong Pilipinas."
"Salute sa lahat ng nanindigan sa katotohanan at katapatan sa bayan. Walang hihigit sa naging bahagi natin sa kasaysayan. Tuloy ang laban hanggat hindi na seselyuhan ang mangunguna sa bayan. Marami tatawa sa atin at manlilibak pero wag ka masindak at paapekto dahil lumaban ka ng matiyaga, patas at marangal. Yan ang tunay mong tagumpay🇵🇭🙏💟🌷 Ako Si Paul at ito ang aking laban."
"Malungkot man pero kailangan natin tanggapin, ikaw parin ang panalo sa puso ko mam leni❤️❤️❤️"
"Thank You Angel💗💗 Indeed it was a good fight"
"Magkaiba man ang ating binoto. Nag iisa pa rin si Angel Locsin na handang tumulong sa kanyang kapwa."
"Still counting pa, hope for the best"
May mga netizens ang nagcomfort kay VP Leni at kay Angel Locsin. May mga nagsasabi rin na ito umano ang nagiging resulta ng negative campaigning. Hindi talaga maganda naagsalita ng hindi maganda sa kapwa dahil ito'y magdudulot din sayo ng hindi maganda.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!