Beteranang Aktres Kritikal ng Isinugod sa Ospital Matapos Maaksidente

Lunes, Mayo 30, 2022

/ by Lovely


Beteranang aktres na si Angie Ferro kritikal ng isinugod sa ospital dahil sa isang aksidente. Agarang gamutan umano ang kailangan upang siya ay ma-incubate. Ang problema ay wala siyang kakayahang magbayad sa ospital.

Si Angie Ferro ay beteranang stage, theater at film actress. Ayon sa  sa Sine Olivias Pilipinas si Angie ay naaksidente. Hindi umano ito makapagsalita at nahihirapan nang maglakad at kumilos para sa sarili.

Siya ay isinugod sa QualiMed Hospital sa SJDM, Bulacan at umabot na diumano sa 43,000 ang halaga ng kanyang bayarin. Siya ay kasalukuyang nasa ICU at nangangailangang ma-incubate pero hindi umano magpo-proceed ang mga doktor hanggang hindi nase-settle ang kanyang mga bayarin.

Wala siyang immediate family at tanging distant relative lamang ang nagbibigay sa kanya ng tulong na hindi naman sumasapat. Dahil dito, nanawagan ang Sine Olivias Pilipinas sa mga taong handang magkapagbigay ng kaunting halaga para makalikom ng pera na kakailanganin nito para sa kanyang pagpapagamot.

Si Angie ngayon ay 84 years old na. Bumida siya sa Indi Film na Lola Igna noong 2019 at nanalo bilang Best Actress sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino. Nagsimula siya mag-artista noong 1960's. 

Madalas siyang maging supporting roles sa mga pelikula tulad ng Darna at Ding na ipinalabas noong 1980, Nora Mahal Kita noong 1972 at marami pang iba.

Napasama rin siya sa cast ng primetime series na Amaya na ipinalabas sa GMA7 na ipinalabas mula 2011 hanggang 2012.

( Hide )

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo