Binanatan Ni Lolit Solis Si Andrea Brillantes Sa Mga Gimmick Ng Huli!

Sabado, Mayo 7, 2022

/ by Sparkle


Si Andrea Brillantes naman ngayon ang binanatan ng veteran entertainment columnist na si Lolit Solis. 

Nasilip kasi ni Lolit ang mga pabida at gimik umano ni Andrea Brillantes. Sa kanyang latest post sa Instagram, tinalakay ni Manay Lolit ang napapansin niya sa pag-uugali ng young Kapamilya actress na si Andrea Brillantes. 

Aniya, dapat daw na maging brilliant si Andrea Brillantes.

"Hanga ako sa confidence ni Andrea Brillantes sa sarili niya, Salve. Talagang over the top mga gimik niya. Make up, outfits, salita basta maloka na feeling in na in ang dating niya. Siguro nga mayroon tapang dahil bata pa. Kaya kiber ang kilos at salita niya."

Ilang bagay din ang pinuna ng veteran entertainment columnist tungkol sa dalaga. Aniya, lumalaos kaagad ito dahil sa mga pagpapabidang ginagawa. 

Pinayuhan din niya ito na pumreno muna sa kanyang mga kinikilos.

"Pero maaga siyang gumimik ng ganoon. Sandali lang, attention is fun ngayon baka after a year lang laos na ang gimik niya. 
Sana she acted and just be herself muna dahil bata pa siya. Dahan dahan muna sa ginagawa niya hindi biglaan. 
Ngayon, iyong mga gimik niya ay patok pero hanggang kailan tatagal? Baka magsawa agad gaya ng mga big ribbons niya, tanggalin agad. Ok din siya mag-isip ng gimik bongga."

Sa pagtatapos ng kanyang post, hangad umano ni Manay Lolit na maging successful ang career ni Andrea. Lalo na sa pamamaraan nito para laging mapag-usapan ng publiko.

"Sana makatulong sa career niya, maging brilliant sana si Andrea Brillantes.

Samantala sa pagpuna ni Manay Lolit Solis kay Andrea Brillantes, samu't sari ang reaction ng mga netizens. Narito ang ilan sa mga ito.

"Hayaan mo siya magpabebe kasi meron naman siyang bebe. Pero di nga bagay ang boses niyang parang inipit skl."

"Maarte 'yang batang iyan. Look Kathryn Bernardo Padilla (wow) hindi umarte nang ganyan... Apaka OA mo Ms. Brilliant na walang kinang."

"Sayang Manang Lolit kung tumakbo ka sana sa pagka senadora baka manalo, kasi ikaw ang inang ni marites."

"Kung maaring ibalik ang panahon para laging bata. Ang kaso hindi na mapipigilan ang pagtanda. Hindi naman ata hinihingi ang iyong pabor, puna ka ng puna. Kung ikaw ay siya ang nagsalita ng laban sa iyo, ano ang mararamdaman mo?"

"Dapat inenjoy mo na lang ang pagkatanda mo hindi 'yung iniistress mo sarili mo sa ibang tao."

Isa si Andrea Brillantes sa mga artista na matapang na sumasagot sa kanyang mga isyu at hinaharap ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo