Boyfriend ni Herlene Budol, aattend sa coronation night ng Bb. Pilipinas 2022.
Masayang masaya ngayon ang Binibining Pilipinas candidate Herlene Budol dahil sa suportang natatanggap hindi lang ng kanyang pamilya, maging sa ilang mga sikat na personalities gaya na lamang nina Idol Raffy Tulfo, news anchor Karen Davila at Willie Revillame.
Bukod rito lalong lumakas ang loob ni Hipon Girl na ipanalo ang laban matapos makarating sa kanya na full support rin ang kanyang naging kapartner niya sa Wowowin na si Patrick Bolton na isang US Navy.
Ayon pa sa balita nais daw ni Patrick na mapanood ng live habang kinokoronahan si Herlene. Dahil isa nga raw sa pangarap ni Herlene na magkaroon ng korona mula sa Binibining Pilipinas.
Dahil sa pahayag na ito ni Patrick, nagbigay ng opinyon ang mga netizens at sinabi nilang higit pa sa pagkakaibigan ang nasa pagitan nila Herlene at Patrick dahil sa all out support nito sa kandidata at kilalang kilala talaga nito si Herlene Budol.
Samantala, umaasa naman ang lahat na makakasama si Herlene sa mga kokoronahan sa nalalapit na coronation night.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!