Kinukuyog ngayon ng mga fans ni Andrea Brillantes si Manay Lolit Solis dahil sa post nito sa kanyang Instagram account.
Pinapalabas kasi ng Veteran Showbiz Columnist na tinanggal si Andrea ng kanyang sponsor salon dahil sa controversial post nito matapos ang election. Ayon sa post ni Manay Lolit Solis,
"O nakita mo na Salve kung anong nangyari sa pagiging atribida ni Andrea Brillantes. Pati salon daw kung saan nakakakuha siya ng libreng serbisyo, inalis raw siya dahil sa pagtawag niyang bobo sa mga supporters ni BBM."
Ayon pa kay Lolit Solis, kung big star sana si Andrea Brillantes ay baka pinalagpas pa iyon ng mga netizens. Ngunit dahil baguhan, talagang deadma ang treatment sa mga arte nito. Dagdag pa ni Manay Lolit Solis hindi umano nakatulong si Andrea sa kampanya nina VP Leni Robredo at Kiko Pangilinan, nakabawas pa umano ito sa mga boboto sana.
Sinabihan din niya itong OA sa pagsuporta sa kanyang Presidential at Vice Presidential aspirants.
Dahil sa mga pahayag na ito ni Manay Lolit Solis binuweltahan at pinatulan naman siya ng ilang mga fans ni Andrea Brillantes. May nagkomento na wala umanong paninindigan si Manay at pera lamang umano ang katapat.
May mga fans rin na nagsasabing mukhang pera umano ito at kung bibigyan ng regalo ay sasantuhin ka na nito. Dagdag pa ng iba na balimbing umano ito at kung nasaan ang pera ay naroroon din ito.
Samantala, nanatili pa ring tahimik si Andrea Brillantes sa likod ng samu't saring kontrobersiyang hinaharap niya ngayon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!