Carla Abellana Magsasampa Na Ng Annulment Para Mapawalang Bisa Ang Kasal Kay Tom Rodriguez

Lunes, Mayo 30, 2022

/ by Lovely


 Hanggang ngayon hindi pa rin naka move on si Lolit Solis sa hiwalayan ni Tom Rodriguez at Carla Abellana matapos ang ilang buwan matapos ang kanilang magarbong kasal.

Narito ang ibinahaging post ni Lolit Solis sa kanyang Instagram account,

Para naman hindi mo maintindihan iyon naging problema nila Carla Abellana at Tom Rodriguez, Salve. Nagpakasal at ngayon after wala pa yatang 6 months gusto ng ipa annul ang kanilang kasal. Parang may mahiwagang pangyayari para maging ganito ang ending ng isang love story nila. Nuon mag BF/GF sila parang sugar so sweet ang kanilang peg. Pagkatapos, after their marriage biglang parang bad dream na gusto nilang kalimutan ang kanilang love story. Nakaka curious kung ano ang naging discovery nila sa isa't isa na naging dahilan para biglang mas gusto nila maghiwalay kesa magsama. Parang bigla gusto mo malaman ang sekreto para tapusin nila ang love story nila. Napakalaking dahilan iyon para wakasan mo ang marriage bow ninyong dalawa. Very emotional pa naman sila ng ikasal sila, kaya talagang magkakaruon ka ng curiosity sa dahilan kung bakit naging ganito ang ending ng Abellana/Rodriguez love story. So mahiwaga hah

Marami ang naging mga haka-haka sa kung ano ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nina Carla Abellana at Tom Rodriguez. May mga bali-balita pa na isang gay si Tom Rodriguez habang ang ilan naman ay nagsasabing may naka-one night stand ito at nakabuntis.

May mga nagkomento rin na ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ay dahil sa masamang ugali ni Carla Abellana. Nakikita at nahahalata umano ng mga netizens sa kanilang mga vlog na hindi napagsasabihan itong si Carla Abellana kaya hinuha ng mga netizens, ito ang naging dahilan ng hindi pagkakasundo nila.

Samantala wala pa ring official statements mula sa kanila kaya naman maging si Manay Lolit Solis ay nacu-curios rin sa tunay na nangyari sa pagsasama ng dalawa. Kung bakit ang masayang relasyon nila noon ay mauuwi lamang sa tuluyang paghihiwalay.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo