Tapos na ang halalan, Ciara Sotto nagbigay ng mensahe para sa kanyang ama na si Tito Sotto.
Ito'y matapos mag-concede ni Tito Sotto at tanggapin ang pagkatalo sa halalan. Ayon sa post ni Ciara Sotto para sa kanyang ama,
"Panalo pa rin po tayo sa pagmamahal ni Lord, sa mga tunay nating mga kaibigan at sa pamilya na hinding hindi tayo iniwan. I love you so much daddy! I am so proud of you."
Kailan lamang ay nagbigay ng speech ang pinsan ni Ciara Sotto na si Sharon Cuneta. Sinabi noon ni Sharon na after ng halalang ito, ang mga magkaibigan, magkakapatid o ano pamang pamilyang nasira, nawa'y magkaayos na ang lahat. Ibinahagi din ni Sharon Cuneta kung gaano niya kamahal sina Tito Sotto at Helen Gamboa.
Samantala, marami ang nagbigay ng komento sa naging pahayag ni Ciara Sotto patungkol sa mga 'tunay na kaibigan at pamilyang hindi nang-iwan'. Matatandaang noong May 7, 2022 nagbigay ng pahayag si Sharon Cuneta ng kanyang pagmamahal sa Sotto Family pero walang reaksyon ang pamilya Sotto.
Mukhang malalim at hindi talaga basta basta na mapapawi lamang ito ng isang salita. Dahil malaki at talagang masakit ang nangyari sa pamilya.
Pinagmamalaki rin ni Ciara Sotto ang pagmamahal at respetong natanggap mula kay Pops Fernandez, isa sa mga kaibigan ni Sharon Cuneta. Sabi sa isang caption ng post ni Ciara Sotto,
"Thank you ate @popsfernandezofficial for always being there for mom and dad and for us. You'll always be a sister to me and my siblings. Thank you also Tita Dulce, Tita Cynthia and TM. We love you all so much."
Nagbahagi rin si Ciara ng isang video na kinunan matapos ang eleksyon kung saan binisita ni Pops Fernandez ang pamilya Sotto para i-comfort.
Komento naman ng mga netizens, hindi man nagreact pero tila ito na ang sagot ni Ciara Sotto sa kanyang pinsan na si Sharon Cuneta sa naging pahayag nito noon.
Gahaman sa posisyon kaya sa panahon ng eleskyon walang kama kamag anak! Lahat kalaban!
TumugonBurahinDyan makikita ang totoong pagkatao😊
TumugonBurahinHindi naman dahil tumakbo Asawa nya limot n pamilya Ganon talaga sa politics marami mag kakamag anak naglalaban pero pag katapos non ok n Sila.
TumugonBurahinHayss syempre suportahan nya asawa nya grabe👽👽👽
TumugonBurahin