Cristy Fermin, Ibinulgar!! Tunay na dahilan nag-eulogy message si Sheryl sa wake ni Ms. Susan Roces!

Sabado, Mayo 28, 2022

/ by Lovely


Kamakailan lamang ay ibinunyag sa social media ni Cristy Fermin ang dahilan kung bakit sa sariling bahay nagbigay  ng eulogy message si Ms. Sheryl Cruz para sa kanyang Tita Susan.

Marami ang naguguluhan kung bakit tila hindi nakikita si Sheryl sa lamay ng kanyang Tita Susan.

Samantala sa Instagram ibinahagi ni Sheryl Cruz ang kanyang huling mensahe para sa tiyahin na kung tawagin niyang Mama Inday. Matatandaang na bash din si Sheryl dahil sa pagsasabi niya na isa siyang biological at blood related. Tanong pa ng mga netizens kung bakit siya mismo na blood related ay wala roon sa burol ng kanyang tiyahin.

Ayon pa kay Sheryl, ang pagbibigay ng eulogy para kay Ms. Susan Roces sa kanyang sariling bahay ay ang pinaka the best na pamamaraan.

Na-curious naman ngayon ang mga netizens kung bakit hindi doon mismo sa burol ng kanyang Mama Inday nagbigay ng eulogy message si Sheryl. Kaya naman tila sinagot na ni Cristy Fermin ang katanungang ito ng mga netizens. Sa kanyang social media accounts ibinahagi ni Cristy Fermin ang dahilan kung bakit hindi sa mismong burol nagbigay ng eulogy si Ms. Sheryl Cruz.

Walang katotohanan na hindi nagpunta si Sheryl Cruz sa wake ng kanyang Mama Inday. Actually nagpunta ito at ayon sa ilang mga netizens halos araw-araw nga na nandoon si Sheryl Cruz pero ayon kay Cristy Fermin, walang pumapansin dito. Kahit ang mga kamag-anak nito ay hindi pinapansin si Sheryl maging ang mga staff ni Sen. Grace Poe.

 Ayon sa naging pahayag ni Cristy Fermin sa kanyang show sinabi niyang,

"Walang pumapansin kay Sheryl. Walang pumapansin kahit mga staff ni Sen. Grace, wala. Kahit mga kamag-anak, kahit mga pinsan."

Sagot naman ng kanyang kasama na si Romel,

"Naku pinaramdam sa kanya Nay, hindi siya belong."

Muling sagot naman ni Cristy Fermin,

"Malalim ito Romel and napakalalim ng kwentong ito na nasaktan mo ang anak at ang mas masasaktan ay ang ina. Sinabi nga ni Manang Inday noon kinukwestyun ang citizenship ni Sen. Grace. Tulad nang kapapanganak lang na aso, huwag mong gagalawin ang kanyang tuta dahil sasakmalin ka."

 Ang sinakmal ni Sheryl ay si Sen. Grace Poe na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi tunay na anak ni Ms. Susan Roces pero nagmula naman sa puso at ang kanilang pagmamahalan ay daig pa ang tunay na magkadugo.

Taong 2016, nang mag-ugat ang hidwaan sa mag-pinsan. Ito'y matapos na hindi pumabor ni Sheryl Cruz sa pagtakbo sa pagka pangulo ng bansa nitong si Sen. Grace Poe. Hindi naman ito sinunod ni Sen. Grace at ipinagpatuloy ang kanyang kandidatura.

Hanggang ngayon ay tila hindi pa rin nagkakaayos ang dalawa at makikita sa naging mensahe ni Sheryl Cruz na mayroon pa rin silang hindi pagkakaunawaan ni Sen. Grace Poe.

Sabi naman ng mga netizens na mukhang maiintindihan naman ni Sen. Grace kung si Sheryl Cruz ay magpapakumbaba. Ngunit sa naging mensahe nito, ni minsan ay hindi man lang nito binanggit ang pangalan ng senadora kundi si Ms. Susan Roces at Fernando Poe Jr. lamang.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo