Franseth, malaya na! Detalye kung paano napagsama sa isang proyekto ang FranSeth

Lunes, Mayo 23, 2022

/ by Lovely



Francine Diaz at Seth Fedelin, balik tambalan na.

"It is what it is." Ito ang masayang anunsiyo nina Francine Diaz at Seth Fedelin nang opisyal nang inilabas ang balita na magkakasama sila sa isang proyekto. Kilig na kilig ang mga fans ng dalawa dahil ito na ang tambalan na kanilang hinihintay. Matatandaan na bali-balita noon na si Francine Diaz talaga ang gusto ni Seth Fedelin. Kaya naman noon pa lang ay buhay na buhay at mukhang ang lakas ng chemistry ng dalawa.

Nagkaroon pa ng alitan ang dating magkaibigan na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz dahil nasisira umano ang loveteam nina Seth at Andreas dahil kay Francine. Nag-away away ang kani kanilang mga fans hanggang sa magkaroon na ng isyu na ng panunugod. Mariin namang pinabulaanan ni Andrea Brillantes. Inamin din ni Andrea na naging magkarelasyon sila ni Seth sa dalawang taon ngunit nagkahiwalay din. Sa ngayon ay may bago nang karelasyon si Andrea Brillantes, ito ay ang basketball player na si Ricci Rivero.

Hindi inakala ng mga Franseth fans na muling magkakasama pa ang dalawa dahil matatandaang sumama ang loob ng ina ni Francine Diaz nang madamay ito sa alitan nina Andrea Brillantes at Francine. Hindi rin ipinagtanggol ni Seth si Francine noon nang kagaya sa pagtatanggol nito kau Andrea Brillantes.

Ngayon, ginulat nina Francine Diaz at Seth Fedelin ang kanilang tagahanga matapos inanunsyo ng kanilang management na magsasama sila sa isang proyekto. Mukhang tagumpay na naipagkasundo ng management ang dalawang panig at maisakatuparan ang hiling ng ilang fans na pagsamahin ang dalawa.

Ang loveteam na FranSeth ay masusubok for the first time sa drama series ng ABS CBN at Dreamscape entertainment na Dirty Linen. Kasama sina Janine Gutierrez, Jenica Garcia at Zanjoe Marudo. Nangyari ang press conference noong May 17, 2022.

Dahil sa balitang ito, nagtrending sila sa Tweeter na may hashtag na Franseth.

Samantala sa Instagram account ni Francine Diaz nagpasalamat siya sa nagong proyektong ipinagkaloob sa kanya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo