Marami ang tila nadismaya sa social media post ng young actress na si Andrea Brillantes.
Ito ay dahil sa partial and unofficial vote counts pagdating sa presidential candidates. Nangunguna at tila sigurado na ang pagkapanalo ni presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr. at mukhang siya na ang tatanghalin bilang 17th president of the Philippines.
Ang resultang ito ay tila hindi ikinatuwa ng young Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na nakasuporta kay Vice President Leni Robredo na tumatakbo rin sa pagkapangulo.
Noon pa man ay pinapakita na ni Andrea ang kanyang pagsuporta kay VP Leni Robredo at isa sa mga kapamilya actress na nanininiwala na ito ang mananalo dahil ito umano ang karapat dapat. Ngunit hindi ito ang nangyayari ngayon, kaya naman gigil na gigil si Andrea Brillantes at tila hindi matanggap ang naging resulta ng election.
Sa social media post ng aktres, sunod sunod ang kanyang mga tila reklamo sa mga resultang natatanggap ngayon tungkol sa mga botong natanggap ni BBM at Leni.
Kinuwestiyon din niya ang desisyon ng karamihang mga Pilipino na si BBM ang ibinoto bilang bagong pangulo ng Pilipinas. Sa kanyang post tila nagtataka siya sa desisyon ng marami. Ayon sa kanya,
"Seriously people??? Nasaaan mga utak niyo???"
"Minsan na papaWTH ka na lang talaga wala na akong paki sa 'respect my decision' na yan. Sorry pero nakakadisappoint kayo. Hindi na tayo natuto."
Halatang halata ang pagkadismaya ni Andrea Brillantes sa naging presidential vote result ng Halalan 2022. Ayon pa sa kanya, natatakot umano siya sa kapakanan ng bayan dahil sa desisyon ng ito ng nakakarami.
Umani naman ito ng samu't saring mga komento mula sa mga netizens. Ngunit ang nasabing post na ito ay binura na ni Andrea.
Komento pa ng ilan, na lagi umano itong nag-iingay sa social media industry kapag hindi nagustuhan ang mga pangyayari. Lagi siyang nagpopost na tila hindi nito pinag-iisipan ang magiging consequences nito.
Kaya naman lagi siyang nagiging center of attraction ng mga netizens. Sana naman ay nirespeto na lang ni Andrea ang desisyon ng nakakarami.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!