Makalipas ang ilang taong pamamahinga sa paggawa ng mga proyekto sa telebisyon nagbabalik ngayon ang sexy actress at kilalang vlogger na si Ivana Alawi para muling ipamalas ang kanyang galing sa pag-arte.
Ang karakter na ginagampanan ni Gerald Anderson ay ang asawa ni Ivana Alawi. Sa ipinalabas na trailer makikita ang mga kapanabik-nabik na mga eksena. Bukod sa mga kapanabik-nabik na mga eksena sa harap ng kamera, sa isang interview kay Ivana Alawi isiniwalat nito ang naging pagtrato ni Gerald Anderson sa kanya sa likod ng kamera at habang nagtataping sila.
Ayon kay Ivana Alawi ay mabait sa kanya ang lahat ng mga kasamahan niya sa trabaho lalo na ang mga leading men pero ang pinakamaalaga umano sa kanya habang nagtataping ay si Gerald Anderson. Ayon mismo kay Ivana na nato-touch siya kung paano siya itrato at alagaan ni Gerald.
Katulad na lamang umano sa isang eksena kung saan tumatakbo siya ng naka-paa, si Gerald mismo umano ang nagwalis ng kanyang dadaanan.
"Sobrang nato-touch ako sa sobrang pagiging maalaga niya, sobrang bait."
Marami sa mga solid fans nina Ivana at Gerald ang natuwa sa pahayag na ito ng aktres. Alam din ng lahat ng mga tagahanga ni Gerald na natural na sa aktor ang pagiging maalaga sa kung sinumang babae na makasama nito sa trabaho. Kaya minsan nabibigyan ng ibang kahulugan ang pagiging gentlemen nito.
Ayon naman sa ilang mga fans ni Ivana Alawi, nagpapasalamat sila sa pag-aalaga ni Gerald kay Ivana. Humihiling din sila na hindi na bigyan ng ibang mga netizens ng masamang kahulugan ang pagpapakita ng pag-aalaga ni Gerald kay Ivana Alawi. Alam naman umano ng lahat na mga professional silang dalawa pagdating sa kanilang mga trabaho.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!