Pag-aalala ni Grace Poe sa isang ambush initerview sa Heritage Memorial Park in Taguig City noong Sabado.
"So excited ako noon, tinawagan ko siya. Tapos sabi pa niya sa akin, 'congratulations' kasi imagine, ipinaglaban niya 'yan sa akin matagal na. Na magkaroon ng patas na karapatan ang mga batang naabandona. Tapos sabi ko, 'ma not congratulations to me alone, congratulations to you kasi kung hindi para sa iyo at advocacy na ito na ipinaglaban mo hindi ito magiging ganito. Wala ako sa ganitong pagkakataon sa buhay."
Matatandaang noong 2015 binatikos ni Susan Roces ang mga kritiko ni Grace habang sinubukan nilang pigilan ang pagtakbo nito sa pagka pangulo ng bansa. Sinasabi na hindi ito maaring ipalagay na natural born Pilipino na isang requirement sa pagtakbo pagka Presidente.
After that call may nagbago kay Susan Roces ayyon kay Grace.
"Masaya siya tapos, pagkatapos nun parang may naiba na. Iyon na ang huling pag-uusap namin kaya parang napaka symbolic nga. Parang hinintay niya. Pero pagkatapos nun, noong dinala na namin siya sa ospital. Tapos nagrereklamo siya na may sakit siya."
Ikinuwento rin ni Poe na ang pagkakaroon ng mas maikling pag-uusap sa ina dalawang linggo na ang nakalilipas basgo ito pumanaw.
Si Grace Poe at ang yumaong si Susan Rocess ay nag-uusap sa average ng isa hanggan isa at kalahating oras sa isang araw. Pero nitong mga nakaraang linggo 10 minutes nalang silang mag-usap at napansin ni Grace Poe na pagod na pagod na ang kanyang ina.
Pumanaw si Susan Roces noong May 20, 2022 dahil sa Cardio-pulmonary Arrest sa edad na 80. Ang burol nito ay bukas sa publiko mula May 22 hanggang May 24, 2022 mula 10:00 am hanggang 10:00 pm sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!