Kamakailan lang ay nagviral ang English version ng Q and A challenge ni Herlene Budol.
Ito ay dahil sa hindi nagustuhan ng marami ang pagsasalita niya ng English sa sagot kahit alam naman umano niyang hindi siya mahusay sa wikang ito. Payo pa ng marami, Tagalogin na lang umano ni Herlene ang sagot upang mas ma-express niya ang kanyang sarili.
Ngunit sa pagkakataong ito, kung saan gumamit siya ng sariling wika sa pagsagot ay patuloy pa ring hinahamak ng iilang mga netizens. Tulad na lamang ng sinabi ng isang ito.
"She makes sense but lacks finesse in answering. Hindi factor yung pagtatagalog niya ha. While reading the quote, I could imagine Hipon saying this, then sa ending bigla, o or 'ha. She should be trained better in her personality, esp. in speaking or else magsupermodel na lang siya para mas malakas ang laban."
Sa nasabing Q and A, tinanong si Herlene kung ano ang masasabi niya sa adoption at IVF?
Narito namaan ang kanyang sagot,
"Sobrang lalim ng tanong na iyan. Pero para sa akin my own opinion pa rin ako. Pipiliin kung mag-adopt kasi bukod sa IVF ba ang tawag doon? Pang may budget lang yun. Kasi kagaya ko halimbawa wala akong budget bakit ko pa ipupush magkaroon ng ganoon kung kaya ko naman mag-adopt. Tapos makakatulong pa ako sa mga bata na kulang sa pagmamahal ng magulang. Financial na kayang suportahan ang paglaki nila. So ako itong magiging hero nila, magiging magulang nila. Hindi ko man sila isinilang, kaya ko silang maging tunay na anak sa puso't isipan ko. Tulong ko na rin sa kapwa Pilipino."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!