Herlene Budol, Naiyak Sa Mga Sinabi Ni Miss Manila Sa Pagsali Nito Sa Binibining Pilipinas

Huwebes, Mayo 5, 2022

/ by Sparkle


Miss Manila pinaiyak si Herlene Budol dahil sa mga sinabi niyang ito. Hipon Girl labis ang pasasalamat sa suporta ng kaibigan.

Marami ang naiyak sa mensahe ni Miss Manila 2020 na si Alexandra Abdon sa Binibining Pilipinas candidate at kaibigang si Herlene 'Hipon' Budol. Ayon sa balita, masaya umano si Alexandra sa pagsali ni Herlene 'Hipon' Budol sa Binibining Pilipinas 2022 at makakaasa umano ito sa 100% support niya rito. 

Masaya umano si Miss Manila dahil nakapasok si Herlene sa Top 40 at alam daw niya na magagawa nitong magpatuloy hanggang finals.

Naging emosyunal si Herlene sa naging mensahe at suporta ng kaibigan niyang si Alexandra. Hindi naman ito nakalimot na magpasalamat dito at nangakong gagawin ang lahat para sa mga taong naniniwala at nagmamahal sa kanya.

Matatandaang hindi naging maganda ang unang pagkikita nina Herlene 'Hipon' Budol at Miss Manila 2020 Alexandra Abdon sa gameshow ni Willie Revillame na Wowowin. 

Matapos ang nangyaring ito nag-usap sila ng pribado at naayos ang nangyaring misunderstanding sa pagitan nilang dalawa. Sa pag-uusap umano nila, mas naunawaan at nalaman ni Miss Manila sa sarili kung ano ang dapat pa niyang baguhin. 

Sinabi naman ni Herlene na pangit man ang naging una nilang pagkikita, sa huli naman ay naging magkaibigan naman sila.

( Hide )
  1. Plastic ni girl manila hahaha

    TumugonBurahin
  2. Alam ni ms.Manila mababash siya, at bilang lumabas na din siya sa showbiz ginusto niya maging part ng showbizness kaya alam nya magagalit ang tao sa kanya kaya nagpakaplastic lang yan ms.Manila kahit makarating pa sa kanya luma na style nya, natapos na nya nalait on air yung tao..Kahawig lang siya ni Pokwang masmaganda pa nga si ms.Pokwang kesa kay ms.Manila sa itsura niya mukha lang sila magkasing edad ni pokwang at ms. Manila..Kung wala sa showbiz at di niya iisipin feedback ng tao for sure never magsosorry yang si Ms.Manila..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. True 😂 tumpak na tumpak 99.9% plastic with germs😂

      Burahin
  3. Nako nakakainis kunyari lng Yan dahil ayaw nyang bumalik sa kanya lht Ng sinabi nya..masyadong matatas ang tingin SA sarili ma pang tanapak Ng Tao akala Kung sino na..ngaun ganyan ganyan sya dahil napatunayan ni harlene na kayang Kaya nyang maka pasok sa binibining pilipinas

    TumugonBurahin
  4. Sale ang Orocan ngayon..parang endorser ba si Ms. Manila ng Orocan..? Infernez bgay syang endorser..👏🏼👏🏼

    TumugonBurahin
  5. binabash n lng z miss manila kaya ganyan cxa now umpisa p lng nakita n agad ugali nya.....pero sana nga may natutunan kna nga tao lng nmn tau ngkakamali.......gudluck ladies.....god bless

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo