Naging emosyunal si Herlene Nicole Budol sa kanyang naging mensahe para sa birthday ng manager niya. Hindi nito naiwasan at bigla nalang napaiyak ng mabigyan ng pagkakataong magpasalamat sa kanyang manager na nagpabago umano sa kanyang buhay.
Gagawin umano ni Herlene ang lahat ng kanyang makakaya upang manalo sa Binibining Pilipinas. Ngunit ang madamdaming tagpo na ito ay napalitan ng tawanan ng sabihin din ni Herlene na sana'y wag pa munang mamatay ang kanyang manager.
"Mima ikaw 'yung bumuo ng buhay ko. Kinumpleto mo po 'yung buhay ko. Ipapanalo ko po 'yung laban hindi para sa akin, para po sa sakripisyong binibigay niyo po sa amin. Mima, 'yung tulong mo sa pamilya ko. Sa saglit natin magkakilala sobra sobra po. Sobra kitang mahal, gagawin ko 'yung lahat para sa'yo... Sana 'wag kang mamatay."
Dahil sa huling sinabi ni Herlene, napuno ng tawanan ng mga dumalo ang event.
Samantala nag-react umano si dating Miss Manila sa naging mensahe ni Herlene. Ayon umano rito, tila nakalimutan umano ni Herlene na magpasalamat din kay Kuya Wil o Willie Revillame kung saan doon umano siya nagsimula. Bago pa siya makilala ni Wilbert.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!