Mukhang nasubrahan na umano sa pagkahambog at pagka-feelingero ang dating aktor na si Edu Manzano matapos nitong maglabas ng statement na tila pagbabanta sa Cebu Pacific Airlines na kung saan sinabi niya na hindi na siya sasakay pa dito hangga't hindi na-address ng nasabing airlines ang isyu na may kaugnayan kay Leni Robredo.
Matatandaan na naging trending topic ang isyu patungkol kay Leni at sa isang piloto ng Cebu Pacific na nagawang magbahagi ng isang post na umano'y nag cause ang nasabing kandidato ng flight diversion, bagay na inalmahan ng mga kakampinks celebrities. Ngunit ang naging reaction na ito ni Edu at ng ilan pang mga kakampinks ay siya ring naging dahilan na pagtatawanan siya ng mga netizens ngayon sa kadahilanang napakababaw umano ng banta niya at halatang hindi pinag-isipan ng mabuti.
Napaghahalataan lang tuloy umano si Edu na katulad lang din siya ng ibang mga celebrity supporters ni Leni na napakabilis kumuda pero hindi naman pinag-iisipan ang mga sinasabi.
Ayon kasi sa ilang mga netizens, seryoso nga ba umano si Edu sa kanyang banta sa naturang airline. Dahil kung totoong seryoso siya ay nagpapatunay lamang umano ito ng katangahan niya. Sa tingin ba umano niya na matatakot ang Cebu Pacific sa banta niyang hindi na siya sasakay pa dito at sa tingin ba niya may pakialam ang nasabing airline sa kanyang banta? Dagdag pa ng ilan, ano nga ba ang pumasok sa isipan ni Edu Manzano at nasabi niya ang mga ito.
Inisip nga ba ni Edu na pipilitin siya ng Cebu Pacific kung hindi na siya muling sasakay rito. Natatawang banat pa ng ilang mga netizens kay Edu. Hindi umano ikakalugi ng Cebu Pacific kung hindi na siya sasakay dito dahil lang naman siya ang tao sa mundo.
Komento pa ng iba ay dapat sabihin lang umano ng aktor ang kanyang banta kung ang halaga ng ticket na binabayad niya sa airlines ay umaabot sa milyones sa bawat flight dahilan para panghinayangan ng Cebu Pacific ang pagkawala niya rito bilang costumer o pasahero.
Ngunit, kung ang binabayad niya ay katulad lang din ng ibang mga pasahero ay dapat umanong tumahimik na lamang siya at huwag magyabang dahil kahit pa ilibre umano siya ng Cebu Pacific ay balewala lamang sa kanila ito. Payo pa ng ilan na dapat umano next time, bago ibuka ang bibig huwag magpadalos-dalos ng banat.
Pag-iisipan muna ng maigi para hindi mapahiya sa bandang huli at para hindi magmukhang tanga sa publiko.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!