Sa ilang taon ng kanilang relasyon ay nauwi pa rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama. Hindi nagbigay ng tunay na dahilan ang dating magkasintahan tungkol sa rason ng kanilang paghihiwalay. Ngunit ayon sa kanilang mga fans na tila mahal pa rin nila ang isa't isa. Kaya naman marami ang nanghinayang sa kanilang relasyon.
Matapos ang ilang buwan ng kanilang hiwalayan, marami ang nagulat sa muling pagsasalita ni Kylie Verzosa.
Sa latest interview kay Kylie, may inamin ang aktres-beauty queen na tila nagpapahiwatig na hindi pa rin siya nakakamove-on sa naging relasyon nila ni Jake Cuenca.
Ayon kay Kylie ito ang hiwalayan na inakala niyang hindi na niya mararamdaman kahit kailan. Akala umano niya na si Jake Cuenca na ang lalaking makakasama niya habang buhay.
"Break up siya na akala ko na hindi ko na mararamdaman ever. Akala ko siya na. Akala ko hindi na ako magkakaroon ng heartbreak."
Mapapansin na emosyunal pa rin si Kylie sa tuwing mapag-uusapan ang tungkol sa kanilang relasyon ni Jake Cuenca.
Para sa mga netizens na nakakapansin parang hindi pa rin nakakamove-on si Kylie dito. Lalo na't kapansin-pansin na inuubos nito ang kanyang oras sa pagtatrabaho. Napakalayo na rin umano nito sa dating Kylie Verzosa na masayahin at hindi gaanong napi-pressure sa kanyang trabaho.
Katulad kay Kylie, maging ang aktor naman na si Jake Cuenca ay tila hindi pa rin nakakamove-on sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Kylie Verzosa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin humaharap sa publiko ang aktor at hindi nagsasalita tungkol sa naging hiwalayan nila ni Kylie.
Hiling naman ng kanilang mga fans na sana magkaroon ng pagkakataon magkasama muli ang dalawa at mabigyan pa ng ikalawang pagkakataon ang kanilang naudlot na relasyon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!