Isa nga daw si Ion Perez sa patunay na kahit hindi magaling sa English at gumamit ng interpreter sa International Pageant ay naiuwi pa rin ang titulo bilang Mister Universe Tourism 2018.
Sa kabila ng samu't saring pambabatikos kay Herlene Nicole Budol sa pagsali niya sa Binibining Pilipinas 2022 at ang pangarap niyang title bilang Miss Grand International Philippines.
Inulan ng mga negative comments si Herlene 'Hipon' Budol dahil sa hindi umano ito magaling sa English. Kung kaya't mahihirapan umano itong masungkit ang pangarap niyang Miss Grand International Title.
Pero ayon naman sa ibang mga netizens na ipinagtanggol siya, na isang patunay raw na hindi imposibleng masungkit ni Herlene Budol ang inaasam na korona ay ang pagkapanalo ni Ion Perez sa international pageant kung saan ginamit ni Ion ang sariling wika na Kapampangan at gumamit ng interpreter.
Umani ng napakaraming papuri rito si Ion Perez noong 2018. Ayon nga dito na ang pinakasekreto sa pagkapanalo nya rito ay ang pagiging totoo niya. Narito ang pahayag ni Ion Perez sa interview ni Boy Abunda.
"Sobrang saya po na kahit hindi po ako makapaniwala na kaya ko pa lang makipagsabayan sa mga ibang nasyon. Siguro po Tito Boy 'yung pagiging totoo ko, na pagiging totoo ko sa sarili ko, sa kapwa ko at respeto ko sa kapwa tao ko. Wala po akong tinatago sa sarili, kung ano po ako sa pamilya ko, ganoon din ako sa ibang tao. Palabiro, palatawa."
Kung kaya't ang pagsali rin ni Herlene Nicole Budol ay diumano'y para ring tulad ng journey ni Ion Perez sa international pageant dahil kilala naman natin si Herlene 'Hipon' Budol.
Hindi nito kinakahiya ang kanyang pagiging totoo at kung ano nga ba siya. Hindi niya din ipinipilit na sumagot ng English sa mga pasample Q and A sa kanya.
Bagkus ay mas iniexpress niya ang sarili sa wikang Tagalog na mas komportable siyang gamitin at maipahayag ng buong buo kung ano ang nasa isip at puso niya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!