Hiwalay na nga ba ang young celebrity couple na sina Sofia Andres at Daniel Miranda? Ito ang tanong ng mga netizens kung totoong hiwalay na nga ba ang dalawa?
Kakapasok lang ng buwang Mayo ay kabi kabilaan na ang mga balitang naghiwalay ang ilang mga celebrity couples.
Mainit na usapan ngayon sa social media ang pag-unfollow sa isa't isa sa Instagram ng young celebrity couples na sina Sofia Andres at Daniel Miranda. Agad umingay at nagtrending nang mapansin ng mga netizens na naka-unfollow na pala sila sa Instagram.
Tila may pinagdadaanan sina Sofia at Daniel sa kanilang relasyon kaya nag-unfollow sa isa't isa. Ikinalulungkot naman ito ng kanilang mga tagahanga at followers ng mapabalitang hiwalay na diumano ang dalawa.
Sa Instagram stories ni Daniel Miranda, nagpost ito ng beach picture na may caption na 'happy trades' at ang huling post nito sa IG na kasama si Sofia ay noong April 15 pa lang.
Mapapansin naman sa Instagram ni Sofia Andres, nagpost ito noong May 3 ng isang picture ni Daniel Miranda na nasa tabing beach. Pero nagtataka ang kanilang mga followers kung bakit sila nag-unfollow sa isa't isa.
Pero mapapansin naman sa Instagram ng bawat isa na magkasama silang dalawa ngayon dahil sa kani kanilang post na kasalukuyang nasa isang beach sila. Patunay na hindi naghiwalay ang dalawa.
Wala pa namang pahayag ang dalawa kung bakit sila nag-unfollow sa Instagram.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!