Risa Hontiveros, tutol sa pagtatalaga ni Bongbong Marcos kay Sara Duterte na mamumuno sa DepEd.
Aniya, dapat isang eksperto at hindi si Sara Duterte. Minaliit nito ang kakayahan ni Sara Duterte kaya naman pinamukha ng isang tiktoker kay Risa Hontiveros kung ano nga ba ang mga nagawa ni Sara Duterte patungkol sa Edukasyon sa Davao. Kaya naman napahiya rito si Risa Hontiveros.
Nagbigay ng reaksyon si Risa Hontiveros sa balitang si Presumptive Vice President Sara Duterte ang itatalagang bagong kalihim ng Department of Education. Aniya, mas mainam daw kung ang hahawak sa isang Department na isa sa may pinakamalaking budget ay isang eksperto o dalubhasa sa Edukasyon at Academia.
Narito ang pahayag ni Risa Hontiveros,
"I don't know what the incoming, the presumptive Vice President's track record is in Education. I would have guessed other education experts to helm that important department."
Samantala, sa panig naman ng kasalukuyang DepEd secretary na si Leonor Briones, lubos nitong tinatanggap na si Inday Sara Duterte ang susunod sa kanyang yapak. Ayon sa inilabas niyang official statement noong May 12,
"Malugod kong tinatanggap ang anunsiyo ni Presidential frontrunner Ferdinand Marcos Jr. na ang papasok na Bise Presidente na si Sara Duterte ay inaasahan na maninilbihan bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon. Handa ako at ang buong pamilya ng DepEd na magtrabaho kasama ang kanyang grupo para sa maayos na transisyon ng pamumuno sa DepEd.
Gagawin natin ang turnover ng Basic Education Plan 2030, na siyang kauna unahan sa isang papatapos na administrasyon na mag-iiwan ng medium-term plan. Kampante tayo na ang DepEd ay mapapangasiwaan ng mga mahuhusay at makakaasa sa pagpapatuloy."
Narito naman ang reaction ng isang tiktoker sa pagtutol ni Hontiveros na pamumunuan ni Sara Duterte ang Department of Education. Ayon sa kanya, atribida lamang umano itong si Risa dahil hindi siya ang itatalaga bilang Secretary of the Department of Education.
Dagdag pa nito na huwag umanong maliitin si Inday Sara Duterte. Ibinahagi rin ng tiktoker ang mga nagawa ni Inday Sara Duterte sa Edukasyon sa Davao.
"Alam mo bang nagpatupad siya ng isang executive order no. 46. Creating the Alternative Learning System unit ng Davao City, yun iyong tinatawag na ALS," pagbabahagi nito.
Ang ALS ay para sa mga kabataan at sa mga gustong mag-aral para makakuha ng quality education. Dagdag pa nito na ang ALS sa Davao City ay funded ng government ng Davao.
Sinabi rin ng tiktoker na kung ang executive order na ito ni Mayor Inday Sara Duterte ay magaganap sa buong bansa, mas maraming mga kabataan ang makaka-access sa quality education ng libre lamang. Kaya naman huwag umanong maliitin si Inday Sara Duterte dahil marami na itong nagagawa sa Davao at maari ring magawa sa buong bansa.
Samantala narito naman ang official statement ni Sara Duterte sa balitang ito.
"I wish to express my gratitude to presumptive President Bongbong Marcos for the confidence in me to lead the Department of Education.
Before the campaign, we talked about the Department of National Defense. But seeing the way things are at the moment, I expect that people who want to see the new administration to fail will fabricate intrigues about my loyalty and the DND position to break the UniTeam.
The Uniteam wants a stable Philippines and the most harmonious administration possible.
Yesterday, the presumptive President and I once again talked about how I could help the country. It was decided that I would work on producing skilled learners with the mindset to realize their full potential as individuals.
Our country needs a future generation of patriotic Filipinos that advocate peace and discipline in their respective communities.
Meanwhile, we thank Sec. Leonor Briones and the entire DepEd organization for their readiness to work with our team for the transition of leadership after the proclamation.
We recognize the sincerity, hard work, and dedication of Sec. Liling in implementing education reforms under the Duterte administration.
Thank you."
Samantala, marami naman sa mga netizens ang sumang-ayon na si Presumptive Vice President Sara Duterte ang mamumuno sa Department of Education.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!