Iniintriga Ang Relasyon Nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes

Martes, Mayo 31, 2022

/ by Lovely


Andrea Brillantes iniintriga ngayong sugar mommy ni Ricci Rivero.

Tila ayaw tantanan ng mga bashers ang magkasintahang Andrea Brillantes at Ricci Rivero dahil may panibagong isyu nanaman silang kinahaharap. Namataang bumyahe pa-Siargao ang mag-jowa para i-celebrate ang birthday ni Ricci Rivero kasama ng ilan sa mga kaibigan nila.

Maugong ang usap-usapan ngayon na si Andrea Brillantes ang gumastos sa lahat ng expenses sa pagpunta nila sa Siargao bilang regalo sa jowa.

Ayon pa sa post ng Pambansang Marites na si Xian Gaza,

KUMPIRMD! From the cousin of his very close friend. Ginagamit lang ni RR yung kabaliwan ni AB sa kanya upang ma-establish at masemento yung pangalan niya sa Pinas. Si ate girl din daw ang palaging gumagastos sa relasyon nila. Certified user ang kuya mo.

Wala mang pangalan na direktahang binanggit si Xian sa nasabing post. Hinuha ng mga netizens na ang tinutukoy niya rito ay ang controversial couple na sina Andrea Brillante at Ricci Rivero base na rin sa mga initials na ginamit ni Xian rito.

Hindi pa rito natatapos ang pang-iintriga ni Xian Gaza kina Andrea at Ricci sa nasabing blind item post. Sa comment section  ng nasabing post mababasa ang mga komento ng mga netizens at ilang mga controversial na sagot ni Xian Gaza.

Komento ng isang netizen,

Aga naging sugar mommy.

Sagot naman ni Xian,

Inlababo daw ng malala ang mammeh muah.

Sa isa pang komento mula sa netizen,

Ang hirap tuloy hulaan kung sugar mommy itatawag o sugar baby.

Reply naman ni Xian rito,

"Sugar MoBy"

Shoe ta may nabuong bagong salita sa Meriam-Webster Dictionary nang dahil sayo Andrea hypecca



Samantala nanatiling tahimik ang magkasintahan sa kabila ng samu't saring pambabato ng mga isyu sa kanila.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo