Nagpahayag ng saloobin ang fashion designer na si Gian Henderson patungkol sa naganap na evening gown competition sa katatapos lamang na Miss Universe Philippines 2022.
Ito ay sa binihisan niyang kandidata na si Miss Nueva Vizcaya Gillian Catherene De Mesa na umabante sa top 16. Ayon sa designer nito ay iba ang isinuot nitong gown para evening gown competition dahil hindi umano pinayagan ng MUP ang gown na may mga perlas. Narito ang kabuuang pahayag ng Designer na si Gian Henderson,
'Miss Universe Philippines did not allow my gown with pearls to be part of the evening gown segment because of their jewelry sponsor La Mer.
This gown was approved and on the last minute, the girls were advised to not have pearls in their gown when the requirement was to create a gown that “COMPLIMENTS PEARLS”. Sana nung umpisa palang sinabihan niyo na ang mga designers na “NO PEARLS!!!” O kaya gumawa kayo ng segment ng La Mer! Hindi yun gaga guhin niyo kami!
This is so disappointing, but just to let you know.... that red gown you saw on stage IS NOT MINE!
Lumaban kayo ng patas!!!'
Matatandaang La Mer ang sponsor ng Miss Universe Philippines sa kanilang bagong korona. Maraming mga netizens naman ang nanghinayang na hindi ito naisuot ni Miss Nueva Vizcaya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!