Isang taong malapit kay Loren Legarda, Deputy Speaker of the House of Representatives ang nagsabi na hindi ito magsasalita tungkol sa pagtatakwil na ginawa sa kanya ng anak niyang si Lorenzo Leviste.
Mabibigat ang mga paratang at masasakit na salita ang pinakawalan ni Lorenzo laban sa kanyang ina sa pamamagitan ng isang open letter. Ito ay nag-ugat dahil sa pakikipag-alyansa ni Loren na tumatakbong senador ngayong May 9, 2022 election sa UniTeam.
Marami ang hindi makapaniwala sa inasal ni Lorenzo. May mga natuwa sa paninindigang ipinamalas ni Lorenzo pero may mga nasaktan at nalungkot rin dahil sa pambabaliwala umano nito sa ikaapat na utos ng Panginoong Diyos at pagtatakwil sa inang nagbigay ng buhay sa kanya.
Naging political issue na ang eskandalong inumpisahan ni Lorenzo. Makikita sa lahat ng social media platforms ang lahat ng pagtatanggol ng mga kakampink o supporters ni Vice President Leni Robredo sa ginawa niya.
Samantalang maigting ang pagdepensa sa kanyang inang si Loren ng mga sumusoporta ni Ferdinand Marcos Jr. Marami sa mga nanay ay nakikisimpatya kay Loren at naniniwalang hindi lamang tungkol sa pulitika ang ugat ng pagtakwil ni Lorenzo sa ina nito.
Posibleng mas malalim ang pinanggalingan ng kanyang poot na pinatunayan ng mga pahayag niya.
"I am in utter grief. Fu©k my mother for abetting this. Their crime is her crimes now. Make her defend them."
Sinabi ni Lorenzo sa open letter na matagal na silang hindi nagkikita ng kanyang ina. Pero dahil sa post ni Ariana Grande, ang American singer na walang kamalay malay na nadawit ang pangalan sa mga political issues sa Pilipinas tungkol sa rally ni Robredo, saka pa lamang umano nito nalaman na may election na nagaganap sa ating bansa.
Ang open letter ni Lorenzo na ipinahayag sa Rappler ang nag-udyok sa ilang mga Pilipino netizens na magsaliksik tungkol sa kanyang tunay na pagkatao at sa mga nangyayari sa kanya sa ibang bansa.
May kinalaman ba ang kanta ni Ariana na Break Free sa desisyon ni Lorenzo na magsalita laban kay Loren na naging higit na masakit dahil itinakwil niya ito ilang araw bago ipinagdidiwang ang Mother's Day?
Tanging si Lorenzo lamang ang nakakaalam sa katotohanan. Ngunit matatandaan ang tamis ng ngiti noon ni Loren nang mapag-usapan sa isang panayam ang kanyang panganay na anak.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!