Hanggang ngayon ay usap usapan pa rin ng mga netizens ang tungkol sa hiwalayan nina Skusta Clee at Zeinab Harake.
Matatandaang kamakailan lamang ay opisyal nang kinumpirma at sinagot ni Zeinab Harake ang mga tanong ng publiko patungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon ni Skusta Clee. Ngayon, sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Skusta Clee tungkol sa mga kontrobersiya nila ni Zeinab Harake.
Inamin niya na siya ay nagkamali sa kanilang relasyon dahil siya ay nagtaksil kay Zeinab. Sa interview kay Skusta Clee para sa kanyang bagong released song na 'Kumpisal' noong May 12, 2022, hindi man tuwirang binanggit ni Skusta Clee si Zeinab ngunit inisa isa nito ang sa tingin niyang nagawang mali pagdating sa pag-ibig.
"Sa tingin ko, kung ano 'yung kasalanan pagdating sa pakikipag-relasyon, siguro 'yung kulang ka sa pag-intindi sa partner mo. Kasi doon nagsisimula ang lahat. Doon magsisimula ang lahat 'nun. Wala nang kahit na anong paliwanag."
Tinanong din si Skusta Clee kung anong mga aral sa pakikipag-relasyon ang tumatak ng husto sa kanya. Ayon kay Skusta Clee marami siyang napag-isipan nitong mga nagdaang mga buwan.
"Wala naman akong sobrang dala dala ngayon. Like natutunan kung aralin ang sarili ko. Kung ano yung mga bagay na gusto ko. Kung ano 'yung mga bagay na ayaw ko. Ano 'yung mga bagay na takot ako, 'yung mga bagay na di ako takot.
Ano ang mga pangarap ko. Ano ba talaga ang gusto ko para sa sarili ko. Sino ba talaga 'yung tunay sa akin at napansin ko silang lahat," tugon ni Skusta Clee.
Tila pinaka-angat saga realization niya ang tungkol sa pagmamahal sa sarili. Dagdag pa ni Skusta Clee,
"Marami akong realization ngayon. Mas natutunan kung mahalin ang sarili ko. Kailangan mo talagang unang mahalin ang sarili. Kasi di ka matototong magmahal ng iba kung di mo mahalin ang sarili mo.
Tingin ko, oo doon siya mag-uumpisa, kailangan mo munang mahalin ang sarili mo bago ka magbigay ng love sa iba. Hindi, ibibigay mo lahat nang hindi mo muna minamahal ang sarili mo. Hindi mo muna aaralin ang sarili mo dahil malo-lose ka kung puro ka bigay.
Tingin ko doon dapat magstart, mahalin mo, aralin mo ang sarili mo nang sa ganun matutunan mong i-appreciate ang ibang bagay, mahalin ang ibang bagay 'di lang tao."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!