Tuluyan nang isinapubliko ng magkasintahang Janine Gutierrez at Paulo Avelino ang kanilang relasyon. Sa nakaraang mall tour ng dalawa tila kinumpirma nila ang kanilang relasyon. Tahasang inamin ni Janine Gutierrez na mahal niya si Paulo Avelino.
Sinabi ni Paulo kay Janine na kung talagang mahal siya nito ay halikan siya sa pisngi. Agad naman itong ginawa ng aktres na ikinatuwa ng kanilang mga fans. Walang humpay na tilian at sigawan ang maririnig sa nasabing show.
Dinumog ng kanilang mga supporter ang mall tour nila para sa bago nilang movie na "Ngayon Kaya" na ipapalabas ngayong June 22, 2022.
Halos natameme naman si Paulo Avelino sa paghalik sa kanya ni Janine. Tila ito na ang pagpapahiwatig at pagpaparamdam sa lahat na totoo ang napabalitang may relasyon sila. Hindi man sila nagsasalita makikita naman sa mga kilos at titigan nila sa isa't isa.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!