Resbak Ni Joshua Garcia Kay Julia Baretto Pinagpyestahan Ng Mga Netizens!

Miyerkules, Mayo 25, 2022

/ by Lovely


Joshua Garcia may sagot na sa payo ni Julia Barretto na huwag muna siyang mag-girlfriend.

Kamakailan ay naging mainit na usapin ang payo ni Julia na huwag munang mag-girlfriend ang ex niyang si Joshua Garcia. Kung susumahin ay maganda naman ang advice ng aktres. Para umano ito na makapag-focus muna si Joshua sa kaniyang career. 

Kung may girlfriend na umano ito ay mahahati ang oras nito sa girlfriend at sa trabaho. Ngunit ang tingin ng karamihan ay pala-desisyon itong si Julia at tila ginagawang reservation nito ang ex kung sakaling maghiwalay sila ng kasalukuyang karelasyon nito na si Gerald Anderson.

Kaya naman nagbigay na ng kanyang reaksyon si Joshua ukol dito. Aniya wala namang isyu sa kanya ang advice ng dating nobya dahil mabuti pa din silang magkaibigan hanggang ngayon.

Sa panayam sa aktor, saad nito.

"Lagi niyang sinasabi sa'kin 'yun 'pag nagkita kami. Sabi ko sa kanya, 'bakit ikaw lang ang puwede?"

Pagpapatuloy pa ng aktor,

"Okay naman. Sa ngayon kasi ang daming magagandang nangyayari sa taon ko e, parang kusang dumarating ang trabaho. 'Yung love life, hindi ko sinasarado ang sarili ko doon. 'Pag may dumating, parang smooth, parang okay kami. Parang same wave length kami okay kami. Kung darating, darating. Hindi naman kailangang magmadali."

Ayon pa kay Joshua, hindi umano imposible na magkaibigan pa din sila ni Julia dahil aniya lahat naman ng kanyang mga ex-girlfriends ay nagiging close friend niya. Masaya din daw siya ngayon para kay Julia na masaya sa love life nito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo