Ani Julia, hindi niya malilimutan ang mga kwento at iniwang mga payo nito sa kanyang buhay at sa kanyang buhay pag-ibig.
Nagkasa sila sa seryeng FPJ's Ang Probinsyano kung saan ito ang gumanap na lola ng bida na si Coco Martin. Ibinahagi ni Julia Montes ang ilan sa mga hand written letters mula rito. Binigyan din umano siya nito ng CD ng The Greatest Love of All at hinabilinang huwag kakalimutan ang naturang awitin.
Ayon sa post ni Julia sa Instagram,
one of the few handwritten letters from you … hinding - hindi ko po makakalimutan lahat ng kwento ninyo at advices sa buhay at sa buhay pag-ibig. mga magandang alala ninyo ni Sir Fpj na binabahagi ninyo bilang aral … mga kwento na ndi ko akalain bibiyayaan po ko ng pagkakataon na mapakinggan… isa sa di ko rin po makakalimutan pag sinasabi nyong pag may bunga na ang puno ng rambutan ninyo naaalala nyo ko … at yung pagkakataong binigyan nyo po ko ng CD na may kantang “Greatest Love of All” sabi ninyo sakin wag na wag kong kakalimutan ang kantang yan… ngaun lalong hinding hindi ko po yun makakalimutan… wag po kayong magalala lahat po ng mga turo ninyo ay di mawawala sa aking puso at patuloy na gagawin…. salamat po sa masasayang alala at magagandang aral… mahal na mahal ka po namin … hanggang sa muli po
Si Jesusa Purificacion Levy Sonora-Poe na mas kilala bilang Susan Roces ay isang Pilipina actress and producer. Asawa siya nang yumaong aktor na si Ronald Allan Kelley Poe na mas kilala naman sa screen name na Fernando Poe Jr. Binansagan siya bilang Queen of Phililippine Movies at nakagawa ng mahigit 130 movies. Huli siyang napanood sa seryeng FPJ's: Ang Probinsyano kung saan gumaganap siyang Lola Flora na lola ni Cardo Dalisay na ginampanan naman ni Coco Martin.
Matatandaang natigil ang taping dahil sa pandemya at lock in taping ang naging sagot para maipagpatuloy ang paggawa ng mga palabas sa telebisyon.
Matatandaan na nauna nang naibalita na hindi na makakasama sa pagbabalik taping ang veteran actress.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!