Naku-curious ang marami kung ano na nga ba ang nangayari kay Andrea Brillantes matapos itong makitang papuntang Siargao kasama ang boyfriend nitong si Ricci Rivero.
Agaw-pansin ngayon sa social media ang ginawa ni Andrea habang bumibili sa isang Sari-sari store. Marami ang nainis sa inasta ng young actress ngunit may mga nakakaintindi rin naman sa kanya.
Kamakailan lamang ay spotted ng mga netizens na magkasama sina Andrea Brillantes at ang boyfriend nitong si Ricci Rivero papuntang Siargao kasama ang ilan sa kanilang mga kaibigan. Ngayon ay tumigil na ang mga nagdududa sa katotohanan ng kanilang relasyon dahil kitang kita ang sweetness nila sa isa't-isa.
Sa isang video na ibinahagi sa facebook ng isang netizen ay mapapanood kung paano naki-ag-usap si Andrea sa tindera ng sari-sari store. Tila nagmistula itong isang batang paslit kung magsalita. Mapapansin naman na katabi lamang ni Andrea si Ricci 'nung panahong iyon at mukhang hindi naman ito nagtataka sa mga ikinikilos ng kanyang nobya.Tila natatawa pa Ricci sa inasta ni Andrea Brillantes.
Humito lamang ang nagvivideo nang makita ito ni Ricci.
Samu't sari naman ang naging reaksyon ng mga netizens na nakapanood sa videong ito ni Andrea Brillantes. May mga nakapansing baka lasing lamang diumano si Andrea noong mga oras na iyon kaya ganun ito nagsalita.
Samantala may mga netizens naman na nagsasabing sobra ang pagpapabebe ni Andrea at napaka arte umano nito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!