'Kung may usok, may apoy.' Ito ang sabi ng ilan. Matapos hulaan ng ilang mga netizens na si AJ Raval ay nagdadalang tao. Mainit na pinag-uusapan ngayon ang rumored couple na sina AJ Raval at Aljur Abrenica. Mula nang ilabas ang isang blind items at iturong si AJ Raval qng babaeng nasa nakakaintrigang blind item. Ayon sa blind items,
"Teka langs true ba juntis itey sexy starlet na ang talak ay mag-study kaya stop muna sa showbiz? Haru jusko ang pudra va ay ang actor na jiniwalan ng junakis ng no. 1 sa balota??"
Wala namang binanggit na pangalan ang nasabing post ngunit base sa description na rito ay tila si AJ Raval ang tinutukoy nito.
Nakilala si AJ Raval dahil sa pagganap sa mga sexy films. Sa angking ganda at karisma nito, talagang bentang benta siya sa mga manonood. Ang ginawang paghinto ni AJ Raval sa paggawa ng mga pelikula ay talagang ikinagulat ng kanyang mga tagahanga at tagasuporta. Lalo pa't nasa rurok ng kasikatan ang starlet.
May kasunod pang post ang nagbahagi ng blind item. Sa kanyang kasunod na post tinanong niya kung ang ama ba ng pinagbubuntis umano ni AJ Raval ay ang hiniwalayan ng anak ng number 1 sa balota? Tila akma naman ang description na ito kay Aljur Abrenica. Sapagkat hiniwalayan siya ni Kylie Padilla na anak ni Robin Padilla na naging number 1 senator ng bansa matapos ang halalan.
Umani naman ng mga samu't saring reaction at komento mula sa mga netizens ang balitang ito. May mga nagulat at nadismaya kay AJ Raval at Aljur Abrenica. May ilan ding nag-congratulate rito dahil magiging ama na ulit ito. Dagdag pa ng ilang mga netizens talagang hindi napakalma ni Aljur Abrenica ang hotdog.
Samantala wala pa namang kumpirmasyon o anumang sagot mula kay AJ Raval at Aljur Abrenica patungkol sa mga kumakalat na balitang ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!